CXXI-CL

6 0 0
                                    

Hindi bulag ang masa, sa dalawang bagay lang naman yan sila naglalaro...
Hindi marunong tumingin o magbubulagbulagan.
#BilangAkoCXXI

Kung minsan, hindi sa taas ng naabot nasusukat ang galing mo sa pakikipaglaro sa mapanuksong realidad ng buhay. Kundi sa kung gaano ka tatagal na naka-kapit sa naabot mo.
#BilangAkoCXXII

Ang buhay, parang amusement park...
Halos lahat ng uri ng kasiyahan nandiyan na...
Kaso hindi pwedeng habang buhay masaya ka, darating ka sa sandaling magsasawa kang humalakhak at mangangawit ang panga mo sa kakatawa.
Lalabas at lalabas ka parin ng amusement park para harapin ang realidad.
#BilangAkoCXXIII

There is no absolute freedom...
In life, there are laws and rules that we must follow.
Kasi isipin mo,
Without laws and rules, masasabi mo kayang... masarap ang bawal o masayang gawin ang bawal?
#BilangAkoCXXIV

Di kailangang ipangalandakan kung ano man ang nalalaman sa bawat nagaganap na diskusyon
Ang tunay na may alam, marunong makinig at tumahimik. Marunong maghintay kung kailan siya sasambit at kung hanggang saan lamang siya sasambit.
#BilangAkoCXXV

Kung ang masayang pag-iibigan nga'y may hangganan... Naniniwala akong, May hangganan din ang kahirapan na ito.
#BilangAkoCXXVI

Maging liwanag ka, dito sa lipunan ng mga bulag.
#BilangAkoCXXVII

Malabo ba?
Buklatin mo ang mga nagdaang pahina ng nakaraan kung mayroon ka nga bang natutunan upang magamit sa kasulukuyan tungo sa progresibong hinaharap.
#BilangAkoCXXVIII

Ang tunay na may mataas na antas ng pag-iisip ay mas magtutuon ng pansin sa katotohanan kaysa daloy ng masa o nang mayorya.
#BilangAkoCXXIX

Ano nga ba ang Pag-ibig?
Walang konkretong sagot.
Ang kasagutan ay nakalundo lamang sa kani-kaniyang interpretasyon ng bawat tao base sa kanilang mga napagdaan, eksperiyensiya.
#BilangAkoCXXX

Asahan mong darating ka sa isang sitwasyon na hindi lang pader ang magiging hambalang sa iyong pag-usad, kundi kabundukan... kumunoy... mapanuksong prutas... mababangis na hayop, atbp.
Na kung saan panibagong pagtahak at paglalakabay nanaman.
Madadapa at babangon ng may natutunan.
#BilangAkoCXXXI

Lalo ka nilang patutumbahin kapag pinapakita mong nadarapa ka.
#BilangAkoCXXXII

Kahit gaano ka kabilis tumakbo, di mo matatakasan ang Realidad ... Hahablutin ka niya sa damit kakaladkarin ka pabalik.
#BilangAkoCXXXIII

Sige, hanapin mo lamang ang sarili mo.
Nakatutuwang, malayo ang nararating ng diwa mo. Hindi nga lang kayo magkatagpo.
#BilangAkoCXXXIV

Ang bawat pagkalagas ay panibagong pagtubo.
#BilangAkoCXXXV

Everything happens for a reason...
Di mo man mawari kung ano ang dahilang iyon...
Maaaring sa mga susunod ng pahina ng aklat ng buhay mo'y mahahagilap mo na ang sagot.
#BilangAkoCXXXVI

Habang ika'y humihinga pa, tinuturuan ka ng buhay kung paano makahagilap ng kasagutan.
Kaya nga sa isip natin? Hindi nawawalan ng katanungan.
#BilangAkoCXXXVII

Ang buhay ay isang blangkong papel,
At ikaw mismo ang manunulat nito.
May mga pagkakataon na sinto-sinto ang daloy ng tinta at maabala ka sa pagsasalaysay...
May nga pagkakataong, nabubutas mo ang papel, sa sobrang kagayakan ay hindi mo na namamalayan.
May isang, sisilip ng sinulat mo o tatabigin ang braso mo upang magulumihanan.
Maraming mga sitwasyon ang posibleng maganap sa bawat lagda ng mga salita.
Kaya dapat ika'y handa.
Hanggang sa mahasa ka't maging isang mahusay na manunulat.
#BilangAkoCXXXVIII

Matuto kang magkubli sa dilim paminsan-minsan...
Nang mahinuha mo, kung ano ang pagkakaiba at pagiging tunay mula sa liwanag hanggang sa kinang.
#BilangAkoCIXL

Hindi pa pala sapat ang nagawa ko, matapos ang lahat nang nagdaan.
Ginawa ang lahat ng makakaya upang hatakin ka patungo sa kasalukuyan ngunit bumalik ka parin sa nakaraan.
#BilangAkoCXL

Ang depresyong dama mo sa iyong sarili ay tila tanikalang bakal na pulit-ulit na gumagapos. Sa araw-araw na pagpulupot nito sa iyong utak upang di kumawala, nangangalawang ang mga tanikalang nito, kung saan kapag pumiglas ka pa ay ganon din ang balik na hapdi at sakit na iyong mararamdaman.
Ganyan kahirap umeskapo sa depresyon, kaya kaming mga napapasailalim nito'y wag niyong binabasta-basta.
Dahil kung masakit ang magkasugat at gas-gas sa balat, tingin ko'y mas doble ang dagok na dinaranas ng sakit na walang sugat na masisilayan, kundi sa loob ka nito inaatake.
Paano mo tatalunin ang sarili mo?
Ngunit wala kang pagpipilian, ang hindi magpatupok sa alab ng puso.
Nangangailangan ng pag-apula, sa pamamagitan ng isipan.
#BilangAkoCXLI

"Ang mundo'y hindi patas sa bawat nilalang."
Ganitong pamamaraan maging patas ang buhay.
#BilangAkoCXLII

Kalimutan mong nagkasugat ka.
Ngunit malabo mong makalimutan ang mga may dulot nito sayo, sapagkat may peklat na naiwan rito.
Nagpapahiwatig na, walang na dapat puwang ang mga taong nag-iwan ng negatibong ala-ala sayo.
Sa huli, magpapasalamat ka rin sa kanya. Dahil sa binigay niyang karunungan na... wag nang pagkakatiwalaan pa ang mga tulad niya.
#BilangAkoCXLIII

Maaari kang mamuhay sa sarili mong bangungot habang nakadilat ang iyong mga mata.
Gising na at bumangon, wag mong hintayin na ang bangungot na yan ay mamunga.
Nasa ibang dimensyon ka, kapag nagpalamon ka, hindi mo alam kung may realidad ka pa na mababalikan.
#BilangAkoCXLIV

Kung talagang totoo ang pagmamahal mo sa isang tao.
Kahit hindi ka pa nakapasok ng isang relasyon sa nakaraan. Alam mo ang gagawin mo at gagawin mo ang lahat wag lang masaktan ang iyong minamahal.
Hindi mo naman talaga kailangan ng instructions, hayaan mong sumabay ka sa tulak ng pag-ibig sa kapwa mo.
Basic, kung alam mo ang tama at mali.
Ang tatahaking daan ng relasyon niyo'y hindi magiging matagtag.
#BilangAkoCXLV

Nababahiran ng putik at dugo ang salitang "pag-ibig".
Dahil sa maling paggamit ng "pagmamahal".
#BilangAkoCXLVI

Bakit nga ba nagagawa mong maging masama?
Dahil sa masamang nakaraan?
Mabubura ba nito ang mga masasamang ala-ala kung masamang gawi din ang ipinaparating mo?
Bakit hindi ka gumawa ng tama at nararapat?
Magiging sapat naman siguro na impluwensya yan sa iba para gumawa din sila ng tama?
Tama ba? Sa pamamagitan ng pag-ayon sa kanilang konsensya.
#BilangAkoCXLVII

Hindi sapat na dahilan na manloko ka rin dahil niloko ka ng pinakamamahal mo.
Dahil ba nagpakabuti ka sa kanya? Tapos ganoon ang igaganti niya?
Iniisip mo kung anong mali sayo? At anong pagkukulang mo?
Wag kang masyadong malugmok, ganyan ang mundo sadyang hindi patas.
May mga pagkakataon talagang hindi umaayon sayo ang sitwasyon sa kabila ng iyong mga planong hinain.
Hintayin mo, daranasin niya rin ay tulad ng iyo.
Basta huwag na wag kang mapagod na maging matuwid at makatwiran.
#BilangAkoCXLVIII

Mahina lamang ang nangangailangan ng agarang pampamanhid.
#BilangAkoCXLIX

Natural na mahirap timbangin ang puso at isip.
Kung hindi mo pa alam ang kapasidad ng bawat isa.
#BilangAkoCL

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

#BilangAkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon