Mas ibig ko pang maging pilit na bobo kaysa mag-astang henyo.
#BilangAkoLXI
Sa pamamagitan lamang ng salita mo, pwedeng makapagpaahon yan sa isang nalulugmok na tao.
#BilangAkoLXII
Ang tao ay hindi kayang baguhin ang katotohanan. Ngunit ang katotohanan ay kayang baguhin ang sanlibutan.
#BilangAkoLXIII
Iba't iba ang uri ng karunungan ng tao.
Kung sa tingin mo'y nakalamang ka na sa kanya...
Baka sa ibang larangan kainin mo lahat ng alikabok niya sa layo ng agwat sayo.
#BilangAkoLXIV
Walang mali sa pagpapakatotoo...
Ang mali lamang ay ang nagiging persepsyon sa katotohanan.
#BilangAkoLXV
Mayroon nang forever,
"Walang humpay niyong pagdidiskusyon kung may Forever o Wala"
#BilangAkoLXVI
Ang problema sa mga relihiyon ay ang pakikipagpataasan ng ihi.
Panay pagbubuhat ng kanya-kanyang bangko kung sino ang tama.
Panay duro naman kung sinong mali.
Mayroon na nga bang relihiyon umaming "Nagkamali ako"
Samantalang kapag napabilang ka man sa kanila
Tinuturuan ka ng pagpapakumbaba, subalit tila isa man sa kanila walang balak magpakumbaba.
#BilangAkoLXVII
Gawin mo kung anong TAMA , hindi kung ano ang MADALI.
#BilangAkoLXVIII
Ang pagmumura depende yan sa Nagdadala
Depende rin sa mga nakaririnig kung Tanga.
#BilangAkoLVXIX
Karaniwan na lamang.
Mahilig mangmata sa ibang tao ngunit ang punahin ang sarili ay malimit.
Sapagkat sa mga nakapaligid mo rin matatanaw kung sino ka nga ba.
Na kahit ang salamin hindi ka mabibigyan ng sagot, maliban lamang sa pisikal na IKAW.
#BilangAkoLXX
Tumatanggi ako madalas sa mga imbitasyon, mula sa isang "Planadong Kasiyahan."
Sapagkat mas masaya kung magmumula sa isang di inaasahan.
#BilangAkoLXXI
