Inalipusta nila ako. Pagkatapos nila akong
pakantahin, pinaarte nila ako. Alam kong magaling akong umarte pero tangsht, di ko pinangarap umarte sa harap ng madaming tao. Ang makasaklap pa, dala dala ko pa din ang mga
puting rosas.MUKHA AKONG TANGA!!!
Pagbaba ko sa stage, agad kong nakita si Justin na lumabas sa little theater kaya hinabol ko siya. Sinasabi ko na nga ba may kinalaman siya dito!!!
"JUSTIN TYLER!!!" Nanggigigil ako. Tumigil naman siya at nag patuloy pa din sa paglalakad. Ano bang
problema niyaaa?Hinabol ko siya, "HOY!" Pumunta ako sa harapan niya at tinulak dibdib niya. Hindi nga lang siya natinag. Ughhh. Napansin kong galit din siya.
"Why did you join? Akala ko ba ayaw mo?!" Galit siya.
"H-hindi ikaw?" O____________O
"Ang alin?" Ang sungit namaaan.
"Hindi ikaw ang nag lista sa akin? Eh sino?"
Bzzzzzzzzzt. Bzzzzzzzzzzzt.
"Hello?"
"Rylieee, kamusta audition?" SI JOSH!!!
"Hoy Josh, anong ginawa mo?! Paano?"
"Don't worry, I asked Kent to list you down. Naisip ko lang na talented ka naman kaya bakit hindi mo gamitin yung talents mo sa tama, diba? Yung iba
nga-"KAYA PALA WALA SI KENT, CRAAAAAAAP!!!
"UGHHH IT'S NOT THAT. My point is-"
"Your point is, may stage fright ka! Kaya nga tinatanong ko kung okay yung audition mo, diba?"
Tumawa siya. Walang hiya!!!
"I don't knoooow. Hindi ko alam pinagagawa ko sa stage kanina sa sobrang kaba! May dala pa akong
pampatay na bulaklak, leche! Wag mo nga akong kausapin!" Narinig ko pa siyang tumawa bago niya ibaba yung phone.Nakatitig pa din si Justin... masama ang tingin.
"Anong tinitingin tingin mo diyan?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Tangina, Rylie!"
"Anong ginawa ko sa'yo?!"
"Kaya nga hindi ako sumali kasi akala ko hindi ka sasali?! Paano kung may holding hands, yakapan, at k-ki-kissing-"
"TUMIGIL KA NGA! As if naman matatanggap ako doon," I rolled my eyes at him. "At ano bang pake mo kung makipagholding hands, yakapan, at
halikan ako sa iba?!" What did I just saaaay?Nakooooo, ito na naman po impulsiveness ko, nakakaiyak!!!
"Gusto ko ako lang..." Sabi niya at umalis na.
He looks so hopeless. Parang gusto ko siyang yakapin?
>.<
Huhuhuhu, hindi pwede.
PRIDE, RYLIE! PRIDE!
Hawak hawak ko pa din pala yung bulaklak, "Hoy Justin!!!" Hindi pa din siya tumitigil kaya nag pagod na naman ako at tumakbo papunta sa harap niya. Hinarang ko siya ng bonggang bongga with matching taas dalawang braso para di siya makatakas.
"Ano?"
"B-bakit pampatay na bulaklak yung binigay mo sa akin?!"
"....."
"Alam mo bang cinocondolence ako ng mga tao doon?!"
"And so?"
"ANONG SO?! BAKIT NGA?! Hindi ka ba
dumadalaw sa patay, ha? Hindi mo ba nakikitang meydo ganito yung bulaklak nila? Pinapatay mo ba ko?"
BINABASA MO ANG
Hopeless Romantic 2: Bitter (Chapter 22)
Ficção AdolescenteI do not own this. Credits to @strawberry008.