Joy Chan's POV
At dahil nga favorite ko ang Ice Cream.
Ginawa ko ang lahat para makuha ang bola. Pero still, di ko parin maagaw!
Argh! Pinagpapawisan na ako at nagcecrave na rin ng Ice Cream.
I need to get that ball!
Likas na matalino lang ako kaya may naisip ako para maagaw ang bola.
Tinulak ko sya pero natumba din ako kaya nadaganan ko sya.
Halatang gulat na gulat sya.
Kaya nginitian ko sya.
Tumayo na ako at kinuha yung bola.
At shinoot.
Boom! Tiningnan ko sya. Nakahiga pa rin. Hala? Nastroke?
Nilapitan ko si Tristan.
Tinulungan ko syang tumayo at binelatan.
"Ice cream ko?" Sabi ko.
"S-sa Ref. M-meron akong Rocky Road dun." He said without looking at me.
Yeah! Oh yeah! Oh yeah!
Papasok na sana kami ng makita namin sila Char at Tyler na nakatingin samin at parang kinikilig.
Mga to! Parang timang!
"Uy! Si Bestfriend!" Pangasar ni Char.
Sinamaan ko lang sya ng tingin.
"M-may Ice cream! Uy si Bestfriend.... may Ice cream! Hehe" sabi ni Char.
I just rolled my eyes.
-
"Ang sarap! Meron pa?" Alam kong masyado na akong demanding. Eh sa ang sarap ng Ice cream?
Naglabas sya ng isa pang Ice cream.
Yes!!! Ang bait bait talaga ni Tristan!
"Eat all you can. Don't be shy. Feel at home." Sabi ni Tristan. Sino ba ang kinakausap nito? Di naman sakin nakatingin eh.
Oh diba? Feeling ko ako talaga yung pinagsasabihan nito.
Tumingin sya sakon at muntik ng matawa.
Kaya tumalikod ulit ito.
"C-can you fix your..." di nya natuloy yung sasabihin nya kase nga natatawa.
Nahihibang na siguro.
"Ang alin?" Pagkasabi ko nun ay humarap sya sakin. Seryoso na ang mukha nya.
Oh diba? BIPOLAR.
"I think you should stop eating ice cream." At inagaw nya sakin yung ice cream.
ICE CREAM KO!!!
Binalik nya sa ref yung Ice Cream.
"HOY ICE CREAM KO!!!!"
"Can you please shut the hell up? Umuwi ka na nga!" Alam ko naiinis na naman to.
Nakakainis! Di ko mabasa amg takbo ng isip nito!
Kanina pagnaagaw ko ko daw may ice cream ako sakanya. Tapos ngayon binalik?
Tinarayan ko na lang sya. Kaya umalis na ako dun at nagdirediretso sa sala. At kinuha ang bag ko. Tama. Kelangan kong makatakas dito.
"Uwi ka na?" Humarap ako sa nagsalita.
Nanlaki ang mga mata ni Char at Tyler.
"Hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha" tawa nila. Mga baliw na ba ang tao dito?
"BAKIT BA?" Tanong ko.
"Ch-Char. Hahaha. Umuwi na kayo..mag... hahah ingat kayo. Hahaha" natatawang sabi ni Tyler.
Talag! Uuwi na ako! Nakakainis dito eh!
BINABASA MO ANG
My Darkest Secret: I Got His First Kiss
Novela JuvenilHindi ko maimagine na nakuha ko yung first kiss ng pinaka bully sa St. Ines School. Kaya pala nagalit sya nang hinalikan ko sya. Buti na lang Hindi nya ako nakilala. Pero hinahanap nya nga kung sino yung humalik sakanya. Ang di nya alam, kung sino y...