IKAAPAT NA YUGTO

57 3 0
                                    

"hui bes. Pano na yan. Baka pagalitan ako ni mama. Patay!!!!"

sabi ko sa lalaking nasa harap ko ngayon.

"di ba sabi ko naman sayo na akong bahala. cool ka lang"sabi naman nung alien.

Kinakabahan talaga ako. kasi naman ngayon lang ako nalate ng uwi ng di nagpapa alam. Ang sinabi ko lang kasi sa may park lang ako pupunta at babalik din ng after few munites. nakakatakot si mama.

"Andy kaw ba yan?"

naku,patay tayo niyan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

IFLER'S P.O.V.

Ang cute niya talaga. Worried yung mukha niya pero cute talaga eh. jaja. Ang sarap siguro netong maging kapatid. Kaso di yun mangyayari eh.

"Andy kaw ba yan?" hala yung mukha niya gulat na gulat talaga.

"umalis ka na. bilisan mo. baka isipin nila na ikaw yung boyfr--"hindi ko na siya pinatapos magsalita

"Hindi!"parang disappointed yung mukha niya nung sinabi ko yun.

"o andyan ka na pala anak at sino tong kasama mo. boyfri--" ang assuming naman nung mama niya. Cute siya kaso di ko type.

"hindi po. Nakilala ko ang po siya kanina. Hinabol po siya nung aso kayo heto nasugat" sabay turo ko sa nasugat niyang braso at tuhod.

"tara anak at gagamutin ko. halika ijo pasok ka muna at makapagmiryenda" alok nung mama niya.

"wag na po mama ginamot na po niya kanina." pagtukoy niya sa akin.

"ganun ba . sige at kukuha ako ng miryenda nitong gwapo mong Hero." patawang sabi nung mama niya.

Naglakad -lakad muna ako sa loob ng bahay nila at napadpad ako sa isang sulok kung saan naroroon ang isang litrato. pero parang ang gaan ng loob ko pagkakita ko dun sa picture. Ewan ko ba kung bakit. Ang cute nung batang babae na umiiyak. Pero may isang batang lalaking nagbibigay ng lollipop sa kanya. Nasa park sila kung asan ako kanina. Kilala ko yun dahil diba nga dun ako lagi tumatambay? Wala paring nagbago. Yun parin yung puno hanggang ngayon.

"Si Andy yan kasama yung bestfriend niya nun. iyak siya ng iyak niyan kasi nahulog yung lollipop niya sa lupa kaya ayan binigyan nung bestfriend niya." tuwang pagsasalaysay nung mama niya.

Pero parang alam ko na yung istorya nun bago pa man sinabi nung mama niya yung nangyari. Bahala na nga. Siguro may pagkaPsycologist lang siguro ako. jaja

"mama.Maliligo na po ako. Kayo na po bahal sa kanya ha." sabi ni Andy sa mama

"Hui bastos kang bata ka. May bisita ka pa oh. Tapos lalayasan mo." pagpigil nung mama niya.

"ok lang po. Paalis na rin naman po ako eh. Inihatid ko lang po talaga siya para di naman mapahamak habang nasa daan. " sabi ko.

"Sige po una na po ako."pahabol ko.

"Hatid na kita sa Gate." sabi ni Andy at sumunod sa akin sapaglabas

"mag-iingat ka ijo sa pag-uwi" sabi nung mama niya

"sige po."

"salamat nga pala kanina ha. sa pagliligtas sa akin dun sa Doggy na yun. Sorry nga pala sa pagtataray. Ikaw kasi eh." sabi niya.

"nagwagwapuhan ka lang talaga sa akin. kaya eto oh diba hinatid mo pa ako. Crush mo siguro ako." sabi kong ganyan sa kanya.

kaya ayan nakasimangot na naman. Cute.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FERRIS WHEELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon