Chapter Fifty Three

195K 2.5K 451
                                    

"You're here." Ngumiti ng marahan si Natalie. Nakita niyang tumingin si Lawrence sa bintana bago sa kanya.

"Natalie, before this starts I want you to know that—"

"Alam ko." Hindi na pinatapos pa ni Natalie kung ano man ang dapat sasabihin ni Lawrence. Alam naman niya, napagusapan na nila ito. Bago pa siya puntahan ni Lawrence dito, alam niya. Alam na alam. Kaya nga yung pagkakataon na to, hindi na niya pwedeng sayangin. It's now or never. Ibibigay na niya ang lahat mapatunayan lang kay Lawrence na nagsisisi siya, na alam niyang mga pagkakamali niya. Tanggapin lang siya pabalik ng lalaking pinakamahahal niya.

Take me back Lawrence, please.

Tahimik lang silang dalawa. Nakatingin lang siya kay Lawrence at si Lawrence naman nakatingin sa labas. Para bang malalim ang iniisip. Napabuntong hininga siya at tsaka nagsalita.

"I-I'm a mess Lawrence. A very disastrous mess." Mahinang sabi ni Natalie. Napangiti naman si Lawrence habang nakatingin sa labas at tsaka ito lumingon sa kanya.

"That you are, I won't argue." Sagot nito habang nakatingin sa babaeng nasa harapan niya ngayon. Sa babaeng minsang umikot ang mundo niya, sa babaeng minahal niya ng sobra, sa babaeng muntikan ng sirain ang buhay niya.

Hindi naman nakapagsalita si Natalie. Sheesh, she is. Why stating the obvious Natalie?

"Why did you left me before? Without...saying anything or giving me reasons??" Nagulat naman si Natalie sa biglang tanong ni Lawrence. Napalunok siya dito. Bakita nga ba? She can't recall, everything seems to be in a blur. Ewan ba niya, ang gulo ng utak niya eh. 

She's a very big mess.

"I loved you Natalie but, but...why did you do that to me? Pinahalagahan mo ba ako sa ilang taong pilit akong kumapit sayo?" Diretsuhang tanong ni Lawrence. Kitang kita sa tono ng pananalita nito ang galit at inis niya sa babaeng nasa harapan niya ngayon. Nga naman, masisisi mo ba siya? Sa lahat ng hinanakita niya sa taong to?

Napayuko si Natalie. "I'm sorry Lawrence."

"I'm not asking for your sorry, I'm asking for your answers. Why?" Inis na sabi ni Lawrence. 

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon