Special Chapter 4 (Daryl and Yla)

96.4K 1.5K 455
                                    

Happy Birthday kay @diannedecastro :—)




Anong mangyayari?



Magagalit kaya siya sa akin? Magsosorry sa mga nasabi niya? O iinisin nanaman ako ng taong to?



Ilan lang yan sa mga tanong ni Yla sa sarili niya habang papunta siya ngayon sa rooftop ng ospital. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Di siya mapakali, miske mukha siyang kalmado deep inside gusto na niyang magpumiglas at magtatalon. Feeling nga niya maiihi na siya sa pwesto niya.



Nawala naman siya sa sa pagtatanong sa sarili ng biglang magbukas ang pinto ng elevator. Sh*t eto na talaga yon. Wala na akong magagawa. Isip niya. Agad siyang lumabas dito at binuksan ang pintuan. Lumabas siya dito at nakita si Daryl sa may kanan nakaupo habang may pinaglalaruan na maliit na box.



Maliit na box?



Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Dahan-dahan siyang lumapit dito at tsaka umupo ilang metro ang layo mula kay Daryl. Nagaalangang tiningnan ni Yla ang lalaki at di niya alam ang sasabihin. Ano ba dapat ang mauna kong sabihin? Hello sir ano kelangan nyo? Bakit anong problema mo? Isip niya. Magsasalita na sana siya nang maunahan siya nito.



"I was so fucking pissed at you, to the extent na gusto kitang isilid sa trash can at itapon sa pacific ocean. Ang kulit-kulit mo at immature. I don't even have words to express how annoying you were before." Nagulat naman si Yla sa sinabi nito at nanlaki ang mata niya. Wow! What an introduction ha?



"You were always there at the clinic before 8 am. You threatened the HR to give my personal information to you, parati mo kong tinetext ng goodmorning, eatwell, goodnight sweet dreams with matching kiss emoticon. Good thing I have no girlfriend at that time. Jusko baka makipagbreak agad sa akin dahil sayo." Bigla naman nahiya si Yla sa kinauupuan niya. Namula siya sa mga sinasabi ni Daryl. Totoo naman kasi, kung kelan lang siya nagcollege tsaka niya narealize kung gaano siya kaimmature non. Halos gusto nga niyang ibaon ang past-self niya eh! Nakakahiya! Sobra!!



"I was so pissed Yla, I was so pissed na sabi ko next school year I will definitely resign! So I did Yla, I did!" Natawa naman si Daryl at biglang natigilan. "Pero who knew, I would actually miss the annoying things you do to me."



Wait, wait, wait totoo ba tong naririnig ko? Di ata maprocess ng neurons ko????



"The day I issued my resignation letter, the moment after I signed it was the moment I asked myself, sigurado ka ba? Teka paano si Yla? And that made me pause for a while and think, di ba siya nga ang dahilan kung bakit ka magreresign? Then that moment I realized you made an impact to my life. That's why I said those things. I thought I was feeling something. Miske ba 8 years ang pagitan natin I mean what if I wait you until you're eighteen? Or maybe when you are mature enough?"

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon