Chapter Thirty Three

269K 3K 698
                                    

 

Halos naubos na siguro ni Noneen yung isang buong polbo para lang matakpan yung 'ano' sa leeg niya. Jusko, ano ba tong ginawa ni Lawrence sa kanya ha? Amputek lang eh! Nga naman no pag matanda na, kung ano ano ang trip!



"Jusko, pagtripan ba yung leeg ko! Lintek!" Bulong ni Noneen sa sarili habang naglalagay ng polbo sa leeg. Tae naman kasi, paano ba yun ginawa ng hinayupak na yun? At ang pula pa! Putcha! Patuloy lang siya sa paglalagay ng biglang may kumatok sa pintuan niya.



"Hija, Noneen. Bumaba ka na at kakain na tayo." Napahawak naman si Noneen sa puso niya. Akala niya si Lawrence. Jusko, kukuha na sana siya ng pamalo eh. Danger yung lalaking yun, kung alam nyo lang.



"Ah..s-sige po! Bababa na po!" Sagot ni Noneen. Napatingin siya sa salamin tsaka napabuntong hininga. Lawrence, ano ba tong mga trip mo ha?



Bumaba si Noneen sa dining area na nakahawak sa leeg nya. Wala kasi siyang makitang scarf tsaka naisip din niya msyadong obvious. Wala rin naman siyang damit na may turtle neck. Nak ng ano lang no.



Nakita niya si Lawrence na may binabasang kung anuman at mukhang busy ito dito. Umupo naman sya sa harapan nito. Well, parating ganun naman ang pwesto nila eh. Hawak hawak pa rin niya ang leeg niya. Takte naman kasi eh, kasabay nilang kumain si Manang ngayon tas! AMPUUUU.



Anong sasabihin niya pag napansin niya tong kagaguhang ginawa ng asawa niya?



"Oh tigilan mo na yan Lawrence, tayo'y kumain na." Sabi ni Manang. Sinara naman ni Lawrence ang libro niyang binabasa at napatingin sa harapan niya. Nakita niya si Noneen na nakahawak sa leeg nito. Napangiti siya.



Nga naman no, pag inosente.



Umiwas naman ng tingin si Noneen sa asawa niya. Ano ba naman yan! Nagsimula na silang kumain ng mapansin ni Manang si Noneen.



"Noneen, may problema ka ba sa leeg mo?" Napatingin naman agad si Noneen kay Manang. Paktay, sabi na nga ba mapapansin to eh.



 "Ah..a-ano po...eh..hehe...a-ano..." Isip Noneen bili! Isip!!

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon