Chapter Thirty Nine

253K 2.4K 465
                                    

"Ralph.."

"Ayos ba?" Tanong nito habang nakangiti. Dinala siya ni Ralph sa isang lugar na di niya alam. Pero nagulat siya nung nakarating na sila doon sa sinabing pampalipas oras na lugar ni Ralph. Ang tahimik kasi tapos halos parang wala atang taong nakakaalam nung lugar na to. Tapos kitang kita ba yung sunset. Perfect na perfect.

"Paano mo to nalaman?" Tanong niya kay Ralph. Hindi na niya sinagot ang tanong ni Ralph, obvious naman na sobrang ayos. Napanganga siya eh.

"Nagmomotor lang ako one time. Tas napadaan ako, ayun tinambayan ko na." Sagot ni Ralph. Ngumiti naman si Noneen tsaka tumingin sa tanawin. Sobrang payapa talaga nung tambayan ni Ralph parang mga tagpo lang sa mga movies. May isang lalaking suplado tas may isang epal na babae tas dadalhin siya ng lalaking yun sa tambayan niya. Di ba ganun yung mga magkakaloveteam.

Ekk, kami ni Ralph loveteam? Pwede!

Namula naman siya sa naisip niya. Haha jusko pagbigyan minsan lang naman to di ba? 

"Noneen may tanong nga pala ako.." Sabi ni Ralph. Tiningnan naman siya ni Noneen.

"Anu yun? Basta wag tungkol sa pera ha. Binabayaran ko pa yung nawala kong ballpen sa kuya mong gurang." Natawa naman ng mahina si Ralph sa sinabi ni Noneen.

Huminga muna ng malalim si Ralph bago itanong ang mga salitang halos ilang araw na rin siyang binabagabag. Yung mga araw na hindi niya nakita si Noneen. May bigla siyang nagpagtanto.

Talaga bang naghihiganti ako?

O gusto ko na talaga yung babaeng to?

Kaya gusto niya malaman. Gusto niyang marinig..

"Noneen, ano ba ako para sayo?" Halos parang buhusan ng nagyeyelong tubig s Noneen sa pwesto niya. Totoo ba yung narinig niya? Si Ralph, tinatanong kung ano siya para sa kanya? 

Napalunok naman si Noneen. Ano nga ba si Ralph para sa kanya? Crush? Kaibigan? Di niya alam, pero may isang bagay na hindi rin siya siguro. 

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon