Chapter 1

2 0 0
                                    

Chapter 1


"Anong kalokohan nanaman to best. Akala ko nagbago ka na ha? pang pitong boyfriend mo na si Jeyron. Kailan ka ba magbabago ha? " 

Nakakarindi naman tong babaeng to kakauwi lang noong dalawang lingo galing sa New York eto agad bungad sa akin sesermonan nanaman ako. Eh bakit ba pakialam niyo sa lovelife ko? Pinakialaman ko ba ang sa inyo? Yes and yes pang pitong boy—ewww! boyfriend? hindi uso sa akin yan uso sa akin yung fling ganun wala akong sineseryoso pagdating sa pag-ibig. Kasalanan ko ba na maganda ako kaya nagkakagusto sila sa akin..


"And so? paki mo ba nangialam ba ako sa lovelife mo? hindi naman diba.. " sabay inom ko ng juice. Hoy! kahit naman papaano hindi ako inom ng inom ng alak good girl kasi ako HAHAHA.


"Hay nako ewan ko sayo! ang gusto ko lang magseryoso ka naman sa boyfriend mo hindi yung parang damit na kapag ayaw mo na basta basta mo nalang papalitan." pasesermon nanaman ng parang nanay ko . Kung magsesermon ka sa akin siguraduhin mong tama ang info mo muna ha?


"Kailan pa ako nagkaboyfriend matapos ng break namin ni Miggy ha? Kung magsesermon ka naman best yung tama naman ha? hindi yung mali mali FLING ko lang yun" pagdepensa ko naloloka na kasi ako hayaan niyo na ako buhay ko naman to diba?


"Tsk sabi na nga e kaya ka nagkakaganyan dahil kay Miggy. Best shunga ka na ba talaga may saltik na ba yang utak mo ha? " Wow. Anong kaimbeyernehan nanaman kaya tong pinagsasabi niya palibhasa NBSB tong babaeng to pero galing niyan magAdvice san kaya niya yan natututunan GOOGLE?


"Ako? shunga sa gandang to HAHA patawa ka?" sabay flip ng hair ko HAHAHA kasi nga maganda ako yun na yun!


"Hindi mo kasi ako magets kaya ka naging ganyan yung walang sineseryoso sa pagibig yung gusto mo lagi mo nakukuha isipin mo naman ang iba hindi yung puro sarili mo lang" natamaan naman ako sa sinabi niya well totoo naman feel ko yun hindi ko naman itinatanggi kasi naman nasaktan ako nasaktan ako.


"Best kalimutan mo na ang nakaraan mo hindi lahat ng lalaki pare pareho" kumunot ang noo ko sa sinabi niya .


"Parepareho lang sila sasaktan ka rin nila at lolokohin ka lang din wag ka basta magtitiwala. Kung gusto nila ng laro pwes laro din ang ibibigay ko"


"Ewan ko sayo ayoko na makipagtalo sayo basta ang gusto ko lang gawin mo kalimutan mo ang nakaraan"

r

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon