Miles's POV"Naku po!! Late na late na ako!"
Natatarantang sabi ko."Tinanghali na naman ako ng gising! Bakit di ako ginising ni
Mama," bulong ko"Mama! Mama!"
"Hoy! Ang aga-aga pa, may natutulog pa! Eskandalosa!"
Nilingon ko ang ang taong may-ari ng boses. Nakita ko si ate myla.
"Ate Myla, nakita mo ba si Mama? Tanong ko.
"Aba malay ko baka na-malengke," sagot nito.
"Ah, gano'n ba? Sige salamat ate."
Tapos tumalikod na ako kay ate myla, "kainis talaga si nanay bakit di ako ginising ng maaga!" Bulong ko.
Pumunta ako sa banyo para maligo, pagkatapos ko maligo nagbihis na ako.
Pagpunta ko sa kusina may nakahanda ng pagkain.
"buti naman akala ko paglulutuin pa ako ni mama," bulong ko
Pagkatapos ko kumain nagtooth brush at nagtali ako ng dikit-anit. Kinuha ko ang salamin ko at nilagay sa bag. Di ko kasi mababasa ng mabuti ang nakalagay sa libro kung wala ang salamin ko.
Sa sobrang pagmamadali naiwan ko na ang ibang gamit ko.
"Ate! alis ako!" Paalam ko kay ate myla tapos lumabas na ako ng bahay at sumakay ng tricycle. Malayo-malayo kasi ang school sa bahay namin. kaya kung lalakarin mo lang, baka abutin ka pa ng ten years bago makarating sa school.
Inalala ko ang nangyari kagabi kaya ako tinanghali ng gising.
"Hay, may quiz na naman. Ang hirap namang magcollege," sabi ko habang papasok ng bahay.
"Oh! Anak bakit malungkot ka? Tanong ni mama sa akin.
"Wala nay, gutom lang." Alibay ko
"Tamang-tama anak! nagluto ako ng paborito mong menudo,"
Nanlaki ang mga mata ko.
"Wow! Salamat ma! The best ka talaga!""Siyempre, ikaw pa scholar kita eh!
"Kayo talaga ma, lika na kain na tayo," tumayo ito at sumabay sa akin.
"Nasaan nga pala si ate myla, nay? Tanong ko
"Nasa trabaho pa." Sagot ni mama
"Si ate talaga ang sipag magtrabo! Baka tumandang dalaga yan!"
"Alam mo anak, gusto ko na nga magka-apo eh, pero magtapos muna ng pag-aaral bago mag-asawa, pwede mag boyfriend pero hanggang do'n lang muna." Ani mama
"Syempre naman ma,"
Umakyat na ito at pumunta sa kwarto nya.
Ako ang naghugas ng pinggan pagkatapos naming kumain
"Syempre naman magtatapos muna ako ng pag-aaral," bulong ko. Bigla kong naalala yung quiz.
Sinipat ko yung relo ko at nakita ko magna-nine na ng gabi.Binilisan ko ang paghuhugas ng pinggan, yung iba muntikan na mabasag dahil dumudulas sa kamay ko.
Pagkatapos naghugas ng pinggan, dali-dali akong pumunta sa kwarto ko.
Humiga ako sa kama at nagreview para sa quiz bukas.
"Naku! Ang dami ko pa namang ire-review para sa quiz bukas." Natatarantang sabi ko.
YOU ARE READING
A Thousand Miles
Teen FictionSabi nga nila, "Pag minsang sinira mo ang tiwala sayo ng isang tao ay mahirap na itong maibalik pa" Meet Mark Josh Valdez : gwapo, mayaman, matalino, perfect ideal man ng mga girls, at higit sa lahat sweet pag nagmahal. Kaya gagawin niya ang lahat...