Chapter 4: Mall Tayo

45 16 0
                                    


Miles's POV

Nasa canteen kami ngayon. Kakagaling lang namin sa clinic, okay naman daw ako, sumakit lang yung joint ng tuhod ko dahil sa pagbagsak

Habang nakaupo sa kumakain, naalala ko ang nangyari kanina.

Galit na galit akong hinabol si Josh. Nakawan ka ba naman halikan sa lips at cheeks ng taong kakakilala mo pa lang. HO-KA-GE!!! Pero sa kaloob-looban ko sobra-sobra ang kilig na nararamdaman ko.
Lalo pa akong nagalit kasi inaasar niya ako, di niya siguro alam na pikunin ako

Para kaming mga batang naghahabulan. "Naalala ko tuloy sa kanya si Mj yung childhood friend ko. Makulit at pang-asar din yun eh! Mahilig ding magnakaw nang halik, kaya lang ang huling balita ko kay Mj ay umalis na daw ito sa bahay nila at lumipat sa ibang bansa. Sobrang nalungkot ako noon, kasi alam mo iyon? bestfriends kayo pero hindi man lang nagsabi na aalis na sila." Sabi ko sa isip habang hinahabol ko parin si Josh.

Hindi alintana sa akin ang mga taong nasa paligid ang mahalaga mahabol ko yung mokong, kahit na yung iba lumiliyab na ang mga mata.

Habang hinahabol ko si Josh may natanaw akong isang grupo ngmga babae, para bang hinihintay akong lumapit sa kanila. Binaling ko na lang ulit ang tingin ko Josh pero hindi ko in-expect ang gagawin nila nang mapadaan ako sa harapan nila.

"Aaaaarrrraaaayyy!!!" Hiyaw ko. nadapa ako, pinatid kasi ng leader nila.

Binaling ko ang tingin sa paligid nakita ko ang mga estudyante, lahat sila sa akin nakatingin at pailing-iling habang tumatawa.
Pati na rin yung mga grupo ng babae, tiningnan ko ng masama yung leader nila, kung makakatayo lang ako dito baka kalbuhin ko na sila kaya lang hindi, nahihirapan akong tumayo kasi ang sakit ng tuhod ko at baka pagtulungan din nila ako pagsumugod ako. Isa laban sa pito? It's UNFAIR!!!

A Thousand MilesWhere stories live. Discover now