Chapter 3: Work it to Worth it

13 16 0
                                    


Myla's POV

"Oh! Anak, buti naman at nakauwi ka na!" Salubong sakin ni mama pagkapasok ko pa lang nang bahay.

Pasado alas-onse na ng gabi nang makauwi ako sa bahay. Sobrang Workaholic ko kasi. Lahat gagawin ko para maka-graduate ang one and only sister kong si Miles.

"Bakit ma? May nangyari po bang masama?" Curious na tanong ko kay mama.

"Wala, kanina ka pa kasi hinahanap nang kapatid mo!" Sagot naman nito .

"Bakit daw po?" Muli kong tanong

"Ewan ko siguro may mga projects na naman iyon!"

"Ah! Gano'n po ba ma?"

Hinawakan ni nanay ang kamay ko at hinila ako. "Tara silipin muna natin kung gising pa siya!"

Tumango na lang ako

Dahan-dahan kong pinihit ang
Doornab ng kwarto niya.

"Ano? tulog na ba siya?" Tanong ni mama sa akin.

"Sssshhhh!!!" Saway ko kay nanay. Kanina pa kasi ito tanong nang tanong, ang ingay ng bunganga. "Tingin ko po tulog na siya!"

Ingat na ingat kaming pumasok sa loob ng kwarto niya. Baka kasi bigla itong magising.

"Hay, naku talaga yang kapatid mo napakasipag mag-aral, nakatulugan na naman ang mga libro nya!" Pailing-iling na sabi ni mama. "Kaya naging scholar yan eh!"

"ma naman, parang sinabi mo na ring bobo ako at tamad akong mag-aral noon!" Pagtatampo ko kay nanay.

"Wala naman akong sinabing bobo at tamad ka ha!" Salubong ang kilay na sabi ni mama.

"Di porke di naka-graduate ng college bobo na!!!" Bulong ko.
Second year college lang kasi ang inabot ko dahil mahirap lang kami.

"May sinasabi ka ba anak? Tanong ni mama.

"Aahhh, sabi ko magpahinga na po kayo! Gabing-gabi na kasi eh!"
Alibay ko.

"Tama ka nga anak kailangan ko na din magpahinga, pero may kailangan muna akong itanong sayo!

"Ano po iyon ma?" Tanong ko

"Gusto ko lang itanong sayo kung gusto mo pang ipagpatuloy ang pag-aaral mo? sayang naman, two years na lang! Ako nang bahala sa mga pangangailangan niyo sa school, maghahanap ako ng trabaho!" Diretsong sabi nito.

"Ma, ilang beses na natin itong pinag-usapan, diba? Di bale nang di ako makatapos ng pag-aaral.
Makita ko lang na nakasuot ng toga at may hawak na diploma si Miles parang naka-graduate na rin ako." Sagot ko

"Ikaw ang bahala anak, di na kita pipilitin! Magpapahinga na ako.

Tumango na lang ako sa kanya tapos lumabas ito ng kwarto.
Binaling ko ang tingin ko kay miles, mahimbing pa itong natutulog. Marahan kong tinanggal ang suot nyang salamin at saglit na pinagmasdan ang mukha niya.

"Wag kang mag-alala little sis hindi ko hahayaang magaya ka sa ate mo. Gagawin ko ang lahat para maka-graduate ka." Pagkatapos marahan kong hinalikan ang noo niya at lumabas na ako ng kwarto.







***

Albert's POV

Kakatapos lang namin mag-usap sa cellphone ng naka-assign na dean sa school ko.

Sinabi ko na salubungin niya ang inaanak ko. Sinabi ko rin na boy ito at Valdez ang surname.

Ilang saglit lang, biglang tumawag ang inaanak kong si Josh.

A Thousand MilesWhere stories live. Discover now