Chapter 5: It's my treat

39 18 0
                                    


Josh's POV

Di ko alam kung bakit ang gaan gaan na kaagad ng loob ko kay Miles? Niyaya ko pa nga siya dito sa mall samantalang kakakilala ko pa lang sa kanya, hindi naman ako malapit sa babae kahit nung nasa America pa ako, pakiramdam ko kasi matagal ko na siyang kilala.

Kitang kita ko ang saya at pagkamangha sa mukha niya yung parang first time niya lang makapunta sa mall.

Nang makapasok kami sa loob naglibot libot muna kami. Pumunta kami sa may terrace sa taas ng mall. Parang park lang yung hitsura niya, may mga food stand at bench, pwede rin maglakad lakad, kita mo rin ang tanawin sa baba ng mall pati yung fountain sa baba at yung malaking heart statue.

"Tara time zone muna tayo!" aya ko sa kanya.

"Time zone? " takang tanong niya.

Hinila ko na lang siya. "halika na!"

Pumasok kami sa time zone at bumili ng card de-swipe kasi yung mga play station doon hindi hulugan.

"May card na tayo, san mo gustong maglaro?" tanong ko.

"ikaw bahala." sagot niya.

"hmm.. Ah ayun don muna tayo sa Photo Booth!" turo ko, tumango na lang siya.

Four shots yun, pero sa huling shot sinadya ko talaga ng halikan yung pisngi niya sa huling shot, kitang kitang nagulat siya sa ginawa ko, pagkatapos makuha nang huling shot kinotongan niya ako sa inis, ako naman tawa lang ng tawa, nilagyan namin ng design at boarder yung picture para mas maganda hanggang sa maiprint-out na yung picture, tig dalawang picture kami syempre ako nagtago ng shot na may kiss.

Tapos naglaro kami sa mga station don, nang matapos kaming maglaro pumasok kami sa kwarto na pwedeng kumanta, soundproof dito kaya kahit bumirit ka pa yung nasa loob lang ng kwarto ang makakarinig, at air conditioned din.

Kinuha ni Miles yung songbook at pumili siya ng kanta.

Pinili niya yung A Thousand Miles ni Vanessa Carlton

Kinuha niya yung microphone at nagsimula kumanta.

~Making my way downtown
Walking fast
Faces pass
And i'm home-bound~

Ang pa lang galing niya kumanta
Kahi first stanza pa lang ramdam na ramdam mo. Galing sa puso yung pagkanta niya, bakit di na lang kaya siya magsinger?

~Staring blankly ahead
Just making my way
Making a way
Through the crowd

And I need you
And I miss you
And now I wonder...~

Pagdating ng chorus naisip ko sabayan siya kumanta.

~If I could fall into the sky
Do you think time
Would pass me by?
'Cause you know I'd walk
A thousand miles
If I could just see you
Tonight~

Pagkatapos namin sa time zone, pumunta kami ng Natinal book store pati sa botique shop tapos dumiretso kami sa food court.

"nag-enjoy ka ba?" tanong ko habang kumakain kami.

"oo, salamat nga pala kasi dinala
mo ako dito nag-enjoy talaga ako ang saya sa time zone, salamat din dito sa sa mga pinamili natin."

Ngumiti ako sa kanya. "Sabi ko naman sayo mag-e-enjoy ka dito at isa pa hindi libre yan! Babayaran mo yan."

Biglang lumaki yung mata niya sa gulat, nabulunan pa tuloy siya buti na lang nakainom na kaagad siya ng tubig.

"ano, ok ka na?" tanong ko sa kaniya ng matapos siyang uminom ng tubig.

"Niloloko mo ba ako! ikaw bumili nito tapos kailangan ko pang bayaran hindi ko naman toh pinabili sa iyo!" sabi niya habang binabalik sa akin yung mga pinamili namin.

Tawa lang ako ng tawa sa kanya. "Yah! I'm just kidding, treat ko sayo yan kasi diba tinour mo ako sa school?"

"buti naman!" sabi niya tapos kumain na lang ulit siya.

"tara sine naman tayo!" aya ko ulit sa kanya, siya naman tumango na lang.

Bumili kami ng ticket ng beauty and the beast at popcorn.

Pagkatapos namin manood lumabas na kami. Pagkalabas namin gabi na, pero bago kami umuwi pinanood muna namin yung fountain mas maganda siya kaysa kanina nag-iiba-iba na lasi yung kulay niya pati yung malaking Heart Statue gumanda na rin pinailaw na kasi yung mga Christmas lights na nakapalibot don, pati yung mga halaman aa side walk may mga christmas lights din. nagpicture-picture muna kami ni miles. Tapos dumiretso na kami sa kotse. Hinatid ko siya sa bahay nila pero ang problema di ko alam kung saan pero tinuro naman niya direksyon hanggang makarating kami sa bahay nila.

"Salamat ulit Josh ah, ayaw mo bang pumasok muna sa loob?" nakangiting tanong niya.

Umiling ako. "Wag na okay lang ako, I have to go too baka hinahanap na ako sa bahay, See you tommorrow na lang sa school, Bye!" sabay non pinaandar ko yung kotse.

Nakita ko siya sa rear view mirror na kumakaway napangiti naman ako hanggang paguwi ko sa bahay abot tenga ang ngiti ko.

"I'm home!" sigaw ko ng makapasok ako sa bahay.

"how's your first day in school little bro.?" tanong sa akin ni ate Alyssa, kahit talaga kailan parang nanay ko tong si ate.

"Great!" sabi ko habang ang ngiti abot hanggang tenga pa rin.

"Well, that's good!"

"Ofcourse! By the way, where's kuya?" curious na tanong ko kay ate di ko kasi napabsin si kuya John.

"May business trip si kuya, next week pa uwi!" sagot ni ate.

"Okay akyat muna alo sa kwarto ko ate!" paalam ko sa kanya.

"Wait, ayaw mo bang kumain muna?" pigil niya sakin.

"Nope! Busog pa ko teh." sabi ko habang nasa hagdan. "Good night ate!"

"Okay! Good night, sweet dreams little bro.!"

Pagkapasok ko sa kwarto ko humiga agad ako sa kama. Ang saya ko ngayon, naalala ko pa rin yung mga nangyari kanina. Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan ko yung mga pictures namin ni Miles pati yung picture namin yung huling shot, napapangiti na lang ako habang tinitignan ko yung mga picture.

Kinuha ko yung headset ko tapos nagpatugtog ako. Pinatugtog ko yung A Thousand Miles ni Vanessa Carlton yung kinanta namin kanina sa Time Zone, nung una sinasabayan ko pa yung kanta hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.

Author's note: pasensya na kung yung kwento sa una close na sila pero sa mga susunod na chapter may onting thrill kaya hindi na kayo mabi-bitter o macocornyhan
Pa-vote na lang po at comment sa mga part na corny!! Onting hintay lang po sa next update!
Thanks :) !!!

A Thousand MilesWhere stories live. Discover now