Chapter 1

7 0 0
                                    

Just call me Klaii. Maria Clyden Villadar is the name. Biologically 17. My existence caused by Annalie and Eduardo. Well I'm a freshmen IT Student of Pangasinan State University Urdaneta Campus.

                               ***

11:47 pm and still I'm wide awake. Kanina pa ako pagulong gulong dito sa higaan ko pero hindi ko pa rin alam kung anong posisyon para makuha ko tulog ko. Alas siyete ng umaga ang klase ko bukas. Lunes. "Juskolord! Patulugin niyo na ako." nasambit ko na lang.

Ipinikit ko na ang aking mga mata at umaasang makakatulog na ako. Pero hindi umaayon sa inaasahan ko. Pano ba naman kasi, bigla ko na lang SIYA naalala. Miss na miss ko na siya. Iniisip ko kung anong ginagawa niya ngaun. Hindi din ba siya makatulog kagaya ko? Iniisip niya din ba ako?  Namimiss niya rin kaya ako? Kelan kaya ulit kami magkikita? Anong gagawin ko pag nagkita kami? Ang daming katanungan na tumatambay sa utak ko. Gusto ko na ulit siyang yakapin. Namimiss ko na ang amoy niya. Grabe. Naiiyak na lang ako sa sobrang pagkamiss sa kanya.

Bakit nga ba kami naghiwalay eh mahal na mahal naman namin ang isa't isa?

Malaking PagkakamaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon