(THROWBACK 3 years ago)
Buwan ng Hunyo. Pasukan nanaman. Sa wakas 3rd year high school na ako.
Saktong alas siyete paalis na ako ng bahay. Malapit lang naman ang school namin. 10 mins na lakarin lang. Hindi kasi kami mayaman. Sakto lang. Yung tipong nakakakain naman ng tatlong beses sa isang araw. Pero hindi namin afford sa pribadong paaralan. Kuntento naman ako sa kung anong estado ng buhay meron kami.
Nasa harap na ako ng school namin. Nakita ko na si kuyang guard. Nginitian ko siya sabay bati sa kanya ng "Good morning kuya". Binati din niya ako. At dumiretso na ako sa loob.
Pumasok na ako sa room kung san ako mamalagi ng isang taon. Wala pa yung guro at kunti pa lang kaming magkakaklase. Lumapit ako sa isa kong kaklase, kilala ko siya pero hindi kami close. Ibang section kasi ako last year. Nagbatian lang kami. Nag-usap din ng kung ano-ano. Dumami na din kami at dumating na din ang aming guro.
Wala naman masyadong ginawa kasi unang araw pa lang naman ng klase. Nagpakilala lang samin yung aming guro at pinalabas na kami.
Ganun din nangyari sa kasunod na subject namin kaya maaga ang recess namin. Kasama ko na pala ngaun si Armie at Marla. Kaklase ko sila nung elementary. Ang kaso kasi sa ibang school ako nag first year nun. Pero dahil namimiss ko sila lumipat ako ng 2nd year dito. Hindi din kami naging magkaklase last year kasi hindi pwedeng maging first section ang transferee kahit pa mataas ang grado mo. Grabe patakaran nila noh?
At eto na nga naging magkaklase na kami.
Pinakilala na din nila ako sa mga kaibigan nila. May grupo kasi sila at ngaun kasali na din ako.Papunta na kami sa cafeteria at umupo na sa upuan na may mahabang mesa.
Bigla namang dumating si Tim. Bestfriend ko. Boyfriend naman ni Armie."Hi bespren. Hi Mie." Sabi niya at umupo na siya sa gitna namin ni Armie.
"Oy nakita niyo na na yung bagong transferee?" tanong ni Jocelyn. Si Jocelyn maganda siya. Tama lang ang height. Mejo chubby. Maputi at singkit ang mata.
"Yung maputi ba na matangkad na pogi?" sagot na tanong naman ni Dimple. Si Dimple naman morena. Big eyes pero maganda. May kalaparan din ng noo. Maganda din siya at parehas lang sila ng tangkad ni Jocelyn.
"Yun nga." tipid na sagot ni Jocelyn.
"He's my ex. When I was grade six" grabe siya. Ang aga lumandi. Sabi ko na lang sa isip ko. Tahimik lang ako nakikinig sa usapan nila habang kumakain. Hindi ko pa naman kasi sila close kaya ayokong makisabat sa usapan nila.
"WEEEEHHHH?" sabay na tanong nila Andrea, Armie, Marla, Mary Ann, Charlene, Joyce, Jocelyn, Tim at yung dalawang bakla na si Lj at James.
Nagulat naman ako dun kasi hindi ko inaasahan yun.
"Oo nga. First boyfriend ko siya. Hindi din kami tumagal. 3 months lang ata. Sino ba naman kasi ako para magpakipot kung ang manliligaw mo ay kasing pogi niya?" sagot ni Dimple sa kanila.
"Eh bakit kayo nagbreak gega?" tanong ni Joyce.
"Pogi eh. Kaya habulin ng sisiw kuno." saad ni Dimple.
Madami pa silang tinatanong kay Dimple tungkol sa lalaki kung sino man yun. Matagal pa oras namin para sa susunod na subject kaya chika chika muna sila.
Medyo naoOP na ako ng kunti. Bumulong naman ako kay Tim.
"Bespren. Kilala mo ba yung topic nila?""Wag mo nang alamin!" Supladong sagot ng bespren ko. Napaka nice niya.
Nagpaalam muna ako sa kanila na pupuntang powder room.
Habang papunta ako sa cr nakayuko lang ako kasi nagbabasa ako sa wattpad. Paminsan minsan tumitingin naman ako sa dinadaanan ko.
*Blaaaag*
"Araaaaay!!!!" sabay haplos sa pwetan ko. May nakabangga kasi sakin. Lakas ng impact. Natapon pa nga phone ko sa di kalayuan eh.
"Hoy lampa! Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo. Hindi puro cellphone" sabi ng lalaking nakabangga sa akin malamang. Nainis ako kasi hindi man lang mag sorry. At tawagin pa akong lampa. Oh ede ako na payat. Pero di ako lampa. Nagkataon lang na natumba ako.
"Excuse me?" sabi ko tapos tumayo. "A-aray .. Can you just say sorry and go to hell?"
"Why should I say sorry? Is it my fault that you're so lampa at hindi mo tinitignan ang dinadaanan mo?" sagot niya. Magpapatalo ba ako? Klaii ata to.
"Mababangga mo ba ako kung tinitignan mo din dinadaanan mo? Tanga ka ba?" Ops sorry for my word.
"So kasalanan ko? Wow! Ede sorry mahal na prinsesang lampa." sabay yuko niya na para bang prinsesa talaga ako.
"I'm not lampa. Stupid." Sorry again. Hahaha.
Pinulot ko na ang phone ko at dumiretso na sa powder room. Naririnig ko pa din siyang inaasar ako ng Lampa. Pero wala lang sakin yun. Nagpapapansin. It's just a waste of my precious time kung papatulan ko pa pagiging childish niya.
BINABASA MO ANG
Malaking Pagkakamali
Teen Fiction"Ako, Ikaw, Siya, Sila lahat tayo nagkakamali. Sabi din nila lahat tayo ay pwedeng umibig. Pero bakit napakalaking pagkakamali ang mahalin ka?" ...