Chapter 4 Part 1

5 0 0
                                    

Grabe na talaga ang kabataan ngaun. Haay! Wala akong masabi. Iilan na lang talaga KAMING matitino. Yes! Kasama ako. I consider myself matino kasi I don't smoke. I don't drink alcohol.   I don't cover myself with a make-up. I don't party every weekend. At NBSB.

Well, yun na nga si Princess binigay na niya ang kanyang bataan sa hindi deserving na lalaki. I ask her kung bakit niya ganun kabilis binigay. Imagine 3 MONTHS? Sagot niya lang "Mahal ko Klaii eh."  Putang inang pagmamahal yan oh. Halong awa at inis ang nararamdaman ko kay Princess. At sa lalaki naman na ex niya ay sobrang galit na galit ako. Ginagawa niyang laruan ang mga babae. Nakakabwisit!

                              ***

August. Buwan ng Wika. Medyo madami kaming bakanteng subject ngaun dahil nga sa paghahanda sa nasabing programa. Nakaupo akp ngaun sa upuan sa gilid ng  Quadrangle. Headset in. Music on. Volumes up. Ignore the world.

Mga limang minuto pa lang nakakalipas parang may isang kumakaway sakin na nakita ko. Tumingin ako sa likod ko kung may tao kasi baka hindi naman ako yung tinatawag. Nakita kong wala kaya ako nga. Lumapit ako at yung guro ko pala ito sa Filipino. Si Sir Jim.

"Bakit po?" tanong ko. Well nasa 26 pa lang etong teacher ko at medyo close ko naman.

"I think wala ka namang ginagawa dito ka nga muna sa room ko. Bantayan mo yun." Tinuro ang kapwa ko studyante na may hawak ng gitara. "Pinapatawag kasi ako ng Principala." pahabol neto.

"Ba't ko siya babantayan sir? Ano siya bata?" pajoke kong tanong.

"Hindi tange. Siya ang ilalaban nating lakandula na gaganapin sa SM Rosales. Division level. Pakibantayan yung pagpapraktis niya. Kumakanta habang nag gigitara ang talent niya. Sige alis na ako." At tuluyan nang umalis si sir.

Umupo lang ako sa isang sulok. At siya naman nasa kabilang sulok. Nakatalikod. Nagsasariling mundo siya kaya ganun din gagawin ko. Nagbasa na lang sa wattpad.

"Hoy! Bantayan mo daw ako." sabi nung lalaki.

"Bata ka ba na kelangan bantayan?" Pagtataray ko.

"Hindi. Pero baby face." tapos bigla siyang ngumiti.

"Eew" sabi ko.

Lumapit siya sa akin.

"Pakinggan mo kanta ko." sabi niya.

Tumango lang ako. Pero pinagpapatuloy ko pa din pagbabasa.

"Tumingin ka sakin. Sa mata ko." sambit pa niya.

"Ano ba? Demanding mo ah. As far as I know tenga ang ginagamit sa pandinig. Tss!" inis na sagot ko sa lalaking to.

"Adik sayo, awit sa akin." nagulat na lang ako nung bigla siyang kumanta. Hinahanap hanap kita yung kinakanta niya.

Napahawak ako sa dibdib ko. Grabe ang bilis ng tibok. Hindi ko alam kung bakit.
Hindi ko naiwasang hindi tumingin sa kanya. Pinapanood ko na siya. Siya naman kanina pa nakatingin sakin. Hindi nga halos umalis ang paningin niya sakin eh. Bakit ganun siya? Jusko!
Ang ganda ng mata niya. Color brown. Light brown. Ang kinis ng mukha. Ang tangos ng ilong. Tapos yung lips shit parang ang lambot. (Teng ene ang landi ko! This is not me!!)

Malaking PagkakamaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon