Ang sarap pakinggan ng boses niya. Yung kanta niya. Na feeling ko para sakin. Halla! Bakit ganito naiisip ko? First time kong makaramdam ng ganito.
"Hoy babae. Tama ng katititig sakin. Alam ko namang gwapo ako pero baka naman matunaw ako. Hahahaha" pinitik niya noo ko.
Hindi ko namalayang tapos na siya sa pagkanta niya. Inirapan ko lang siya.
"Kumusta naman pagkanta ko?" tanong niya.
"Oks lang." tipid kong sagot.
"Tara sa cafeteria. Libre ko." anyaya niya.
Wooy! Libre niya daw. Napangiti naman daw agad ako dun.
Hindi naman sa patay gutom ako pero kasi libre yun eh tatanggihan ko pa ba?"Pero baka dumating si Sir wala tayo dito." tanong ko. Shemay! Nawala ata pagkamataray ko! Lels.
"Saglit lang naman tayo. Bibili lang tapos dito na tayo kakain." Sagot niya.
Umagree naman ako. Tas pumunta na kami.
Dun na nagsimula ang lahat. Nagkakamustahan. Nagkakilalahan. Palagi ko na siyang sinasamahan tuwing practice niya. Kahit weekends sinasamahan ko din siya sa school kasi pinapractice namam niya yung pagrampa niya. Pati na din ang pagsagot niya sa mga kunwaring magiging tanong. Sabay na din tayong naglalunch. Hinahatid mo ko pauwi. Naging komportable na tayo sa isa't isa. At unti-unti na nga ata akong nahuhulog sayo.
BINABASA MO ANG
Malaking Pagkakamali
Teen Fiction"Ako, Ikaw, Siya, Sila lahat tayo nagkakamali. Sabi din nila lahat tayo ay pwedeng umibig. Pero bakit napakalaking pagkakamali ang mahalin ka?" ...