Hindi ko pa pala siya napapakilala sa inyo. Siya pala si Sonny Macabitas. Medyo familliar nga yung name at mukha niya eh. Hindi ko lang alam kung saan ko narinig at nakita.
Transferee siya galing siya sa Palm Spring Academy. Lumipat daw siya dito kasi kinick out siya dun tsaka mas malapit daw sa bahay nila. Naging campus hearthrob din siya dito sa school namin. Hindi ko din naman ikakaila na may itsura nga naman talaga siya.
Tanggap ko na din na talaga ngang nahuhulog na ako sa kanya. Naiinlove ako sa pangalawang bestfriend ko. Haaay!Papunta na ako sa school, nakita ko yung bestfriend kong si Tim na papunta na din.
"Bespren!" sigaw ko. Lumingon naman siya at hinintay ako. Pagdating ko sa kanya "I miss you bespren." sabi ko. Miss ko naman kasi talaga siya.
"Paano wala ka nang oras sakin. Dun ka na nga sa Sonny mo." sabi niya. Ayna! Nagtatampo ang bestfriend ko.
"Sus! Wag na tampo bespren. Babawi ako. Promise po. Oy ikaw ha. Barkada mo pala si Sonny."
"Oo. At mas kilala ko siya kesa sayo. Iwasan mo na siya habang maaga pa." sabi niya.
"Huh? Bakit naman? Mabait naman siya ah." pagtatakang sabi ko.
"Wag mo sabihing nahuhulog ka sa kanya? Wag kang magsisinungaling sakin."
"Ang totoo kasi niyan bespren .. may iba akong nararamdaman." pag-amin ko sa kanya. Hindi ko kasi kayang mag sikreto sa bespren ko.
"Ano yun?" tanong niya.
"Kasi alam mo yung ang saya ko pag kasama ko siya tapos parang gusto ko palagi ko na lang siyang kasama. Ang bilis ng tibok ng puso ko pag nanjan siya. Basta ganun. Yung palagi ko na lang siyang iniisip. Haaay! Yun ba yung sinasabi mong nahuhulog na ako sa kanya bespren?"
"Iwasan mo na siya Klaii. Masasaktan ka lang." sabi ni Tim.
BINABASA MO ANG
Malaking Pagkakamali
Teen Fiction"Ako, Ikaw, Siya, Sila lahat tayo nagkakamali. Sabi din nila lahat tayo ay pwedeng umibig. Pero bakit napakalaking pagkakamali ang mahalin ka?" ...