Sen's Point Of View
Jeju Island
Nag outing kami magkakaibigan kasi di na kami nakakapag bonding dahil sa sobrang busy ng work namin
Nagpunta kami ng Jeju. 4 days kami dito
"Sen! Patulong naman ako mag grill ng mga karne dito oh"
Sigaw ni Kathleen at nilapitan ko naman siya habang natatawa. Sina Jane at Inna nagpeprepare sa mesa
"Guys, wala naman kayong ininvite na iba diba?"
Tanong ko sa kanila
Tinignan ako ni Jane at Umiling
Ganun din si Inna pero tong si Kath makangiti parang may di magandang balak
"Hoy Kathleen Fatima. Di ko gusto yang ngiti mo ah"
Tumawa lang siya
"Eh wala naman kasi Unnie eh!"
Guilty. Kapag kasi tinawag na nila akong Unnie, It's either may kalokohan tong ginawa o binabalak o kaya naman may problema.
Ako din kasi pinamatanda kaya saken nila sinasabi lahat ng problema nila
Umiling nalang ako at nag barbeque
After maluto ng BBQ eh kumain na kami
Katabi ko si Inna habang kaharap ko naman si Jane at Kath
Etong si Kathleen eh kanina pa naka ngiti eh.
"Kath in love ka ba? O nababaliw kana naman?"
Tanong ni Inna sa kanya at umiling lang si Kath
"Masaya lang ako. Kayo naman eh. Minsan lang tayo lumabas dahil busy tayo tapos ganyan kayo saken. Nakaka tampo na ah"
Sagot naman ni Kath
"Ang creepy mo Kath ah"
Sabi ni Jane. Tumawa lang siya at kumain na ulit kami
Napalingon kaming lahat ng may apat na lalaki ang dumating
Nagtinginan kami nila Jane at Inna
Naglakihan pa ang mga mata namin
Kaya napatayo na kami
Si Kath naman kinikilig na tumatawa na parang nasapian. Seriously Kath?! 😂😍
"Hello Guys! How are you?!"
Masayang bati nina Jung Hoseok, Kim Taehyung, Jeon Jungkook at Park Jimin
"You"
Dinuro ko silang apat.
"Why are you here?!"
Gulat parin kami. Ayun na si Jane nanigas na. Si Inna lumipad na ang kaluluwa. Si Kath sinapian na.
"Noona, don't you Miss Us?"
Sabi ni Jungkook with matching pout pa.
Halikan ka sana ni Inna 😂
"So you here to bond with Us?"
Sabi naman ni Jane and they all nodded
Nag tinginan ulit kami at nagsigawan
Nagyakapan kaming lahat
Yes, BTS and Us are close.
Closer like best buddies 😁💕
