Once upon a time
"Sean, please wake up! Lumaban ka please!"
Ang tagal ko siyang hinanap at eto siya. Totoo na siya. Nasa harapan ko na siya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Naiiyak na rin ako. Hindi kami pormal na magkakilala pero pakiramdam ko sobrang espesyal siya.
Ang mga kaibigan niya ay nasa isang sulok habang tahimik na umiiyak. Ang daddy niya buhat ang nakababatang kapatid niya ang palihim ding lumuluha. Tanging ang Mommy niya ang malakas ang iyak.
"Sean, please, anak. May good news ako sa'yo. Yung babaeng sinasabi mo, nandito na siya. Nahanap na namin siya."
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Naramdaman ko ang paghawak niya rin sa kamay ko. Gising siya! May malay siya! He held my hand!
"Doc, hinawakan niya kamay ko!" May luha na rin ako pero masaya akong sabihin sa doctor 'yon.
He's responding. He's awake. He's alive. Please, Sean. Fight. I still want to know you. Lumuha ako ng lumuha habang sinusubukan nilang buhayin pa si Sean. Please.
"Andie!" Nagising ako sa lakas ng sigaw at pagyugyog ni Siarra. May luha na naman ako. Inuntog ko ang ulo ko sa bintana ng sasakyan.
"Siya na naman, Siarra." Basag ang boses ko ng sabihin ko iyon. Bakit ba siya lagi ang laman ng panaginip ko? Kailan niya ba ako titigilan?
"Who?" Nilingon ko siya at tumitig sa mata niya.
"Yung lalaki sa panaginip ko." Nalungkot ang mata niya ng marinig niya iyon. Maging siya ay nababahala na sa lalaking laging nasa panaginip ko.
Ilang linggo na itong nangyayari sa akin. Paulit ulit. Halos araw araw ko siyang napapanaginipan. Laging siya. Yung mukha niya. Yung sitwasyon. Ako. At ngayon siya na naman, ulit. Noong una hindi ko pinapansin ang panaginip ko at hindi ko rin kinu-kwento sa kaibigan ko pero nang dumadalas ito ay hindi ko na napigilang magkwento. Bakit ba? Ano bang kailangan sakin ng lalaking iyon?
"Si Sean."
Hindi rin naniniwala ang mga kaibigan ko noon sa mga sinasabi ko. Sino ba naman kasing mananaginip ng isang bagay paulit ulit at halos araw araw ay ganon? Pero nang nakita nila ang pagiging balisa ko tuwing umaga kapag papasok sa school ay doon na sila naniwala. Palaging pugto ang mata ko sa tuwing mapapanaginipan ko siya.
"Just stop thinking about it, Andie." Huminga ako ng malalim at tumango. Tumingin ako sa labas. Madilim na. Hindi ko na namalayan na nakatulog ako sa biyahe pauwi. Semestral break kasi kaya nag-outing kaming magka-kaibigan at ngayon ay pauwi na kami dahil bukas ay may pasok na ulit.
Kahit na anong pilit kong hindi isipin ang lalaking iyon ay hindi ko magawa. Para bang kailangan ko siyang hanapin para matapos na ang kabaliwang nangyayari sa buhay ko.
At sa totoo lang, sinubukan ko na ding magpatingin sa psychiatrist pero normal naman daw ako. Kahit ang utak ko ang pinacheck namin sa doctor pero wala namang problema. Kaya isang malaking palaisipan talaga ang nangyayari sa akin.
8:30am ako umalis sa bahay kinabukasan para pumasok sa school. Naabutan ko ang mga kaibigan kong nagaantay sa may gate.
"Para namang maliligaw ako pag magisa." Biro ko sa kanila. Hindi naman nila ako kailangang intayin pero sadyang makukulit ang mga ito kaya hindi nakikinig sakin.
"Did he visit your dream again?" Umiling ako sa tanong ni Siarra. "Salamat naman." Aniya.
"Oh my gad! Ikaw 'yon! Jeremy siya 'yon!" Nilingon ko ang isang babaeng halos maiyak habang hawak hawak pa ang kamay ko. Ano bang pinagsasasabi niya?