Imaginary
In-on ko agad yung luma kong phone at chineck ang sim number. Nang makita ko ay sinave ko iyon sa phone ko at 'babe' ang nilagay kong pangalan doon.
Yes, I'm crazy. Naisip kong gumawa ng imaginary boyfriend pero syempre hindi ko sasabihin sa kahit na sino na fake lang ang boyfriend kong ito. Kailangan mag mukha talagang totoo. Kailangan mapapaniwala ko lahat, my friends and, of course, Kevin. Baliw na kung baliw pero ayoko ng iniiwan ako or kahit na sino.
Kahit medyo madilim na ay lumabas pa rin ako ng bahay para paloadan yung sim ng lumang phone ko na gagamitin ko sa pagpapanggap na gagawin ko. I'm so excited!
Nagsimula na akong magtext ng mga sweet messages sa sarili ko. Kumbaga, yung mga bagay na gusto kong sabihin sa akin ng isang lalaki ay nilalagay ko doon. Nirereplyan ko pa nga e para mukha talagang totoo. This is the craziest thing that I've done my whole life but I really don't care.
Inabot ako ng hating gabi sa pakikipagtext sa sarili ko. I love midnight conversations, so there, I did it. All by myself.
One thirty am na ako natulog noon kaya naman antok na antok ako pagkarating ko sa school.
"Zombie mode. Ano namang pinagpuyatan mo?" Tanong ni Siarra. Pero imbes na sagutin ko siya ay ngumiti lang ako. Showbiz.
Naging ganon ang sitwasyon ng mga sumunod na linggo. Tatanungin nila ako about sa 'pinagpupuyatan' ko at ako na naman ay magiiba ng usapan. Gusto ko lang pagmukhaing totoo ang lahat. Kaya deny muna.
Mabuti na lang din at hindi nakarating sa guidance councilor ang nangyari kaya naman ligtas kami sa detention. Hirap kaya mag community service!
"Your keeping secrets now, huh." Ani Ada.
"Wala akong secret." Go, Andie. Keep lying.
"Hindi kami tanga, Andie. Akala mo ha? Nakita ko kaya may katext ka. Sorry kung nakikialam ako. I'm just curious." Sabi naman ni Siarra.
Actually, sinadya ko talagang iwanan ang phone ko doon at tinanggalan ko iyon ng password para pakialaman nila. Ang talino ko talaga!
Nagpanggap akong nagulat sa sinabi niya kahit na gustong gusto ko ng ngumisi. Nandito kami sa classroom ngayon kaya lalakasan ko talaga boses ko para marinig ng lahat. Para marinig ni Kevin at ng girlfriend niya.
"Bakit mo binasa?!" Sabi ko sa galit na tono.
"Nagagalit ka na ngayon? Ayaw mo na ishare? Ganon ba?" Bakas ang pagtatampo sa boses ni Siarra. Ang iba ko namang kaibigan ay nakatingin lang sakin.
"Sorry na. Sasabihin ko naman talaga sa inyo kaya lang, ayan, alam niyo na." Paliwanag ko. More like pagsisinungaling ko.
"Stop the drama, girls! Sino ba kasi yang 'babe' mo, Andie? Wala kang balak ipakilala sa amin?" Tanong ni Jeff na binigyang diin ang salitang babe.
Nilingon ko saglit ang pwesto nina Kevin pero ang hayop walang pakialam!
"He's my boyfriend-"
"Boyfriend?! May boyfriend ka?!" Napatakip ako ng tenga sa pagsigaw ni Ada. Lahat naman ng atensyon ay nasa kanya ngayon. Nag peace sign lang siya.
"Oo." Simple kong sagot. Hindi maipinta ang itsura ng mga kaibigan ko. Hindi ba sila naniniwala?
"That fast?" Nalilitong tanong ni Ada.
"Actually, matagal na siyang nanliligaw. Nauna pa sya kay Kevin. Nagulat nga ako dahil kahit alam niyang may ibang nanliligaw sa akin e pursigido pa rin siya. Kaya ayun, nahulog na din ang loob ko." I said while smiling widely.
"What's his name?" Tanong ni Carl.
Name? Jusko! Hindi ko napaghandaan ng tanong na 'to a. "Ha?" lang ang tangi kong nasabi.
"Ayaw mong sabihin para di namin makilala? Nako, Andie-" Pinutol ko si Siarra bago pa niya ako sabihan ng kung ano man.
"Sean. Sean ang pangalan niya. Oo." Sabi ko at ngumiti. Sana hindi nila mahalata ang pagka-tense ko. Bwisit ka, Kevin! Kung hindi dahil sayo hindi ko gagawin 'to!
"Wag kayong magalala. Ipapakilala ko rin siya sa inyo. Sa tamang panahon. Just... give me time." Sabi ko bago pa sila magsalita. Ayoko ng madagdagan pa ang usapan tungkol dito. Mahirap magisip ng palusot, on the spot.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang hayaan nila ang desisyon ko. Ang bait talaga ng mga kaibigan ko.
At nagsisismula na rin akong makonsensya. Hays. Siguro naman maiintindihan nila ako kung bakit ko nagawa ang bagay na 'to. Nasaktan lang talaga ako.
Months passed at naging ganon lang ang sistema. Paulit ulit. At kahit ilang beses kong ipagdukdukan sa mukha ni kevin na may boyfriend ako ay wala rin naman syang pakialam kaya habang tumatagal ay nawawalan na rin ako ng ganang ipagpatuloy to dahil wala rin namang mangyayari. Diba?
Paulit ulit din ang pangungulit sakin ng mga kaibigan ko tungkol sa boyfriend kuno. Gusto nilang ipakilala ko sila kay Sean dahil ang tagal na raw naming mag-on pero hindi pa nila nami-meet or nakikita kahit picture man lang ni Sean. Eh paano ko sila ipapakilala sa hindi naman totoo?
I laughed at my own thoughts.
"Alam mo Andie, pakiramdam ko gawa gawa mo lang yang boyfriend mo para makaganti ka kay Kevin." nagulat ako sa sinabi ni Siarra pero hindi ko ito pinahalata.
Nandito kami ngayon sa cafateria. Tambay muna habang hinihintay naming magsimula ang klase namin. Ang hassle talaga pag broken yung schedule at may vacant. Napapagastos ka ng malaki. Ang hilig pa naman ng mga kaibigan kong kumain.
"G-gaga ka ba?" medyo kabado kong sagot. Hindi ko pwedeng ipahalata sa kanila na kinakabahan ako.
Nag-plano na rin ako ng gagawin. Sasabihin ko na lang sa kanila ma may sakit si Sean at namatay na ito para di na sila magtanong. After non, kakalimutan ko na yon na parang walang nangyari. Hindi rin naman kasi totoo yon kaya madali na iyong kalimutan.
At isa pa wala rin namang pakialam si Kevin kaya tinatamad na ako. Ilang buwan na rin naman ang nakalipas kaya sa tingin ko ay okay na yon. Pinangunahan lang siguro ako ng galit kaya nagawa ko ang bagay na ito.
Hindi naging kami but we have spent some good memories together and maybe I just have to take that positively. Ipagpapasalamat ko na lang din siguro yon at tatanggapin para magkaron ako ng peace of mind. But that doesn't change that fact na gago si Kevin. Gago talaga siya.
And I realized that what we had was merely an infatuation. I think I am not in love with the person but i am in love with the idea of falling in love. Nagustuhan ko si Kevin, oo and I got hurt dahil niloko nya ako but that wasn't really deep. Hindi ko rin alam pero paglipas ng panahon eh nawala rin naman yung nararamdaman ko. Even yung galit.
"Inggit ka lang Siarra kasi wala kang boyfriend." pangaasar ni Jeff. Natawa kaming lahat sa sinabi niya kaya naman inirapan kaming lahat ni Siarra.
"Hindi ko kailangan." ayan ang palagi niyang sinasabi which I believe. Sa dami ng nagkakagusto sa kanya, kung talaga priority nya nag pagb-boyfriend ay magkakaron naman sya.
"Road to matandang dalaga." hindi namin mapigilang humagalpak ng tawa dahil sa sinabi ni Carl. Ang havey non!
Lumapit si Sirra kay Carl at hinampas ito sa braso. Tawang tawa ako sa mga pinaggagagawa nila. Para silang mga high school students! Ang kukulit.
Isa pa ito sa na-realize ko. I have good friends and I think they are enough. Hindi ko kailangan magpaka-lunod para sa lalaki kasi may mga kaibigan akong andyan para sakin at napapasaya ako.
I've made my decision. Mula ngayon, wala ng imaginary boyfriend.