His new
Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi na kami masyadong nagkausap ni Kevin. Maaaring dahil sa dami ng ginagawa namin sa school ng mga lumipas na araw o maaari ring dahil ayaw niya talaga akong kausapin. Hindi ko alam pero nababastusan ako sa ginagawa niya sakin.
Nasaan na yung malambing na Kevin? Yung sweet? Yung lagi akong sinusuyo? Yung di ako natitiis? Yung ide-date ako kahit kamuhian na siya ng mga kaibigan ko? Nasaan na? Nagsawa na agad?
“Hindi na ata nangungulit yung manliligaw mo?” Ani Siarra habang kumakain kaming lima ng lunch sa canteen. Nagkibit balikat na lang ako dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko.
Hindi ko alam kung masasaktan ako dahil sa pagiwas niya o maiinis na lang? Ang sakit lang din sa pride.
“So tama kami. Gago talaga.” Naiiling na sabi ni Alexandra but we call her Ada. Just so you know.
“Sabihan mo lang kami ni Jeff kung bubugbugin na namin ha?” Nagapir pa ang dalawa at nagtawanan silang apat.
“Kayo kaya bugbugin ko? Ang yabang niyo rin e!” Sabi ko at inirapan.
“Iba rin diskarte mo sa pagtatanggol kay Kevin, ano?” Ani Jeff.
“Di ko siya pinagtatanggol. Ayoko lang na masasangkot kayo sa kahit anong gulo. Ang sweet ko diba?” We all laughed. Swerte talaga ako sa kaibigan e.
“Galing mo rin magiba ng usapan.” Bulong sakin ni Siarra. Nilingon ko siya saglit at umiling. “LQ na agad kahit di pa kayo? Not good.”
“LQ mo mukha mo. Hindi a!”
“Ano nga kasing nangyayari?” Pabulong ngunit mariing tanong ni Siarra. Napairap ako sa kawalan.
“Ang kulit! Wala.” Medyo iritado kong sabi.
Nagpatuloy na lang kami sa pagkain. Nagpatuloy sa pag-uusap at pagkukulitan. Nahagip pa ng tenga ko ang paguusap ni Jeff at Carl tungkol sa mga babae. Boys will be boys.
“Si Lea, tol! Grabe! Sobrang sexy.” Punong puno ng pagpapatansyang sabi ni Carl.
“Di ko type. Kilala mo si Veronica? Ayun ang tunay na hot. Sizzling hot parang sizzling sisig.” Ani Jeff at tumawa silang dalawa.
“Di ‘yun masarap humalik. Inuunahan na kita.” Sabi ni Carl paghupa ng tawa nila.
“Nahalikan mo na ‘yun?” Bigong tanong ni Jeff.
“Oo. Nung isang araw at di na mauulit ‘yun. Si Lea susubukan ko—” Napatigil sa pagsasalita si Carl nang napansing nakikinig ako.
“You’re eavesdropping, Andie. Mind your own business.” Umirap naman ako sa sinabi niyang iyon.
“English mo mukha mo Carl! Babae na naman pinaguusapan niyo! Princess, Sheila, Jane, Kristina, Avon, tapos ngayon Lea at Veronica naman? Bakit kayo ganan?” Mataray kong tanong.
“Si Kevin.” Kumunot ang noo ko sa sinagot sa akin ng dalawa. At talagang sabay pa silang nagsalita ah?
“Si Kevin na naman? I’m asking you. Wag niyong ibahin—” Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang tumayo yung dalawa. Napatigil naman sa pagkain si Ada at Siarra at nakasunod din ang tingin sa dalawa naming kaibigan.
Nanlaki ang mata ko nang makita kong hawak ni Carl si Kevin sa kwelyo nito habang si Jeff naman ay nasa gilid at parang may sinasabi. What the hell is wrong with them?
Tumayo ako at lumapit sa kanila.
“Jeff, Carl! Ano ba yan!” Tinanggal ko ang kamay nila kay Kevin at pumagitna.
“Wag mo ng ipagtanggol ang gagong ‘yan.” Walang ganang sabi ni Jeff. Tahimik naman sa gilid ang dalawa kong kaibigang babae.
“Bakit? Ano bang meron?” Nagugulahan kong tanong.
“Nasan na yung ka holding hands mo kanina?” Diretso ang tingin ni Carl kay Kevin habang tinatanong iyon. Hindi naman ako magkapagsalita ng marinig ko iyon. Holding hands?
“Ayoko ng gulo.” Ayan ang naging sagot ni Kevin. Ano? So totoo nga?
“Gago! Ayaw mo ng gulo pero harap harapan mong ginagago yung kaibigan namin? Tangina mo rin e!” Gigil na gigil na sabi ni Carl. Kung wala ako dito sa gitna ay baka nasuntok na nito si Kevin.
“Carl, calm down. Paguspan natin ‘to ng maayos.” Mahinahong sabi ni Siarra. Bti nagsalita siya. Wala aking masabi, e.
“Speak.” Ayun lang ang tangi kong nasabi.
“Ayoko na Andrea. Ayoko na sayo. Sawa na akong suyuin ka. Sorry.” Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya.
Okay. Compose yourself, Andie!
“Gago ka pala talaga—”
“Ssshh!” Tinaas ko ang index finger ko sa ere para putulin ang pagsasalita ni Carl.
“Sawa ka na ba, Kev? Bakit? Kasi hindi mo ako nahalikan? Siguro yung babae mo ngayon, naibigay agad yung gusto mo ano?” Nakangiti kong sabi. Well, that’s sarcastic.
Natahamik ang lahat. Tanging ang malakas na tunong ng pagsampal ko ang narinig ng lahat.
“Tigas ng mukha.” Sabi ko at lumabas na sa canteen.
Bwisit! Ganon ganon lang papalitan niya ako? Nakahanap agad siya ng iba? Ganon lang? Ang kapal naman talaga ng mukha niya! Anong akala niya, hahabulin ko siya? Magmamakaawa ako sa kanya na bumalik siya sakin? Na ako na lang ulit? Hindi. Hindi ako magpapakababa. Leche siya hindi ako si basha! Magsama sila ng babae niya.
I can have another man in an instant. He’s so irreplaceable. Wag siyang assuming! Kayang kaya ko siyang palitan! Kaya ko!
“Andie! Are you okay?” Tanong ni Siarra ng makalapit sila sa akin.
“I’m better than okay, Siarra.” Mayabang na kung mayabang pero mas lamang ang inis ko kesa sa sakit. Para ngang hindi ako nasasaktan, e. Naapakan lang talaga yung pride ko. Grabe. Or masakit talaga?
“Ganda ng last line mo dun, Andie. Perfect pati yung walk out mo.” Ani Ada. Ayun pa talaga ang napansin niya.
“Akala ko hahayaan mo lang yung hayop na ‘yun e.” Ngumisi lang ako kay Jeff. I won’t let that happen. Yung hayaan ang iba na itapon akong parang basura? No way.
“So...” Pagbasag ni Siarra sa katahimikan. “Balik na tayo sa klase?”
Tumango lang ako at nagsimula na kaming maglakad. Iniisip ko kung paano ko ipamumukha sa kanya na wala akong pakialam at kaya ko rin siyang palitan ng ganoon kabilis.
Walanghiyang iyon kasi. Pina basted sakin yung ibang nanliligaw dahil gusto niya siya lang. Ako naman si tanga, sumunod! Tapos ngayon, ano, wala na. Bwisit!
Nang mag dismissal na ay umalis na kami kaagad. I can’t stand to be with him. Magshift na dapat siya ng course! On the second thought, wag pala. Mas maganda yung nasusubaybayan ko ang relasyon nila. Titingnan ko kung paano gagaguhin ni Kevin ang isang ‘yon. Oo na masama na ugali. Wala kayong pakialam.
Pagkauwi ko ay agad ako nagisip ng mga pwede kong gawin. Dinaig ko pa ang nagre-review sa tindi ng pagiisip ko.
Binuksan ko ang drawer ng side table ko at kinuha doon ang aking lumang cellphone. Chineck ko kung may sim ba iyon at nakumpirma kong meron.
“Let the games begin.” A smirk plastered on my face. Insert evil laugh.