Chapter One

9 0 0
                                    

Start

Sabay sabay kaming naglakad ng mga kaibigan ko. Mabuti na lang talaga pare-parehas kami ng kursong gustong kuhanin kaya heto, magkaka-klase pa rin kami!

High school kami nang magkakila-kilala. Kami lang talaga ni Siarra ang close noon pero habang tumatagal ay nakasundo na rin namin itong tatlo, si Jeffrey, Carlson at Alexandra. At hanggang ngayon ay magkakasama pa rin kaming nangangarap na magiging Civil Engineers kami.

"Oh ang isang katulad mo

Ay di na dapat pang pakalawan

Alam mo bang pag naging tayo..."

Pagkapasok namin ng classroom ay sinalubong kami ng nagi-gitara at kumakantang si Kevin.

"Hinding hindi na kita iiwanan

Aalagaan ka't di papabayaan

Pagkat ikaw sa akin ay prinsesa..."

Nang matapos ang kanta niya binigyan niya ako ng bouquet of roses. Sinasanay niya talaga ako sa mga ganito. Sana ay hindi ito matapos.

"Thanks, Kev." Nakangiti kong sabi.

"May gagawin ka ba pagkatapos ng klase natin?" Tanong niya nang makaupo na kami. Isang row ng upuan ay kami ang umuupo dahil wala namang sitting arrangement ang mga prof namin.

"Wala. Bakit?" Inayos ko ang gamit ko at nilingon siya ng saglit. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko dahilan para dumikit ang matangos niyang ilong sa pisngi ko.

"Hey, ayoko ng PDA. Stop that." Natatawa kong sabi pero totoo naman 'yun. Ayokong nagiging clingy siya sa akin sa harap ng mga tao at saka nanliligaw pa lang siya sakin. Sumimangot naman siya at inilayo ang mukha niya sakin.

"I really want you to be mine. Please be mine, Andrea." Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan iyon ng mariin.

"Kev, hindi pa-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil pinutol ito ni Siarra.

"Wag mo ngang pilitin si Andie, Kevin. Akala mo naman ang tagal tagal mo ng nanliligaw." Ani Siarra at umirap pa.

Noon pa man ay hindi na boto ang mga kaibigan ko sa kanya dahil ayon sa kanila ay babaero daw si Kevin. Ang mga babae kong kaibigan ay hindi siya gusto para sakin at si Carlson at Jeff naman ay halos isumpa na si Kevin. Hindi ko naman makita ang mga maling nakikita nila kay Kevin, siguro dahil nahuhulog na rin ako sa kanya pero ayoko muna siyang sagutin. I still want to know him, more.

"Epal." Mahinang sabi ni Kevin para hindi marinig ni Siarra pero narinig ko naman iyon kaya sinuway ko siya. Kaibigan ko pa rin iyon at ayokong ganun siya sa kanila.

Hindi na kami nagpatuloy sa paguusap dahil dumating na rin ang professor. Tawa kami ng tawa dahil sa mga biro niya. Gusto ko talaga ng professor naming ito kasi kahit nagpapatawa siya ay may koneksyon pa rin sa itinuturo niya. Yung iba kasi mas marami pa ang kwento kaysa na sa pagtuturo. Like, hello?! Nagbabayad kami ng tuition dito!

Three o'clock natapos ang klase namin ngayong araw kaya naman heto at nagyayakagan gumimik ang mga kaibigan ko.

"Pass ako dyan. Di naman ako umiinom." Nagreklamo agad sila sa sinabi ko.

"Pwede namang hindi ka uminom. Just be there."

"Actually, may date kami." Biglang singit ni Kevin sa usapan kaya naman nagsitahimik ang mga kaibigan ko. Umiral na naman ang kamalditahan ng mga ito, kahit ang dalawang lalaki nagmu-mukhang bakla sa mga reaksyon nila.

"Whatever." Si Siarra lang talaga ang vocal sa pagkainis niya kay Kevin. "Oh siya Andie, kung ayaw mo talaga e kami na lang." Aniya at nagpaalam na sila sakin.

Masaya silang naglakad patungo sa parking lot. Ano bang meron sa alak at humaling na humaling ang mga kaibigan ko roon?

"Tara?" Nilingon ko si Kevin at tumango. Nagtungo rin kami sa parking lot dahil naroon ang sasakyan niya. Nagkulitan at nagtawanan lang kami buong biyahe. Nang makarating sa mall ay kumain muna kami at saka nag-arcade.

We tried almost everything there. Nang mapagod kami sa paglalaro ay naisipan naming rentahan 'yung KTV room doon para mag-videoke kami.

"Anong kanta gusto mo?" Tanong niya sakin. Nagisip naman ako ng magandang kanta para kantahin niya.

"Beautiful in my eyes?" Patanong kong sabi sa kanya. Tumango naman siya at hinanap ang kanta sa song book.

Nagsimula na siyang kumanta at tinititigan niya pa ako. Bagay na bagay talaga ito sa boses niya. Lagi niya kasi itong kinakanta sa akin over the phone. Siguro para bolahin ako.

"You're my Monalisa, you're my rainbow sky

And the only prayer is that you've realized

You're always be beautiful in my eyes."

Pinalakpakan ko siya nang matapos ang kanta niya. Tumawa lang siya dahil doon. Sumunod na kanta ay ako naman. When I look at you ni Miley Cyrus ang kinanta ko at pumalakpak rin siya pagkatapos noon. Halinhinan kami sa pagkanta at ang huling token ay nagduet kami.

"You by the light is the greatest find.

In the world, full of wrong you're the thing that's right.

Finally made it through the lonely to the other side..."

Ako ang kumanta ng unang verse at unang chorus. Sa pangalawa ay siya naman. Hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan ako sa mata.

"This could be good, its already better than that,

And nothing's worse that knowing you're holding back.

I could be all that you needed, if you'll let me try..."

Natapos ang kanta naming dalawa at nagtitigan lang kami doon. Napansin ko ang pagtingin niya sa labi ko. Oh my! Is he going to kiss me? Hala, hindi pwede! Hindi naman sa ayoko pero saka na lang kapag kami na. Diba?

"Ah, Kevin, ano... Uwi na tayo, oo. Gabi na rin kasi hehe." Hindi ko alam kung nakatulong ba yung pagtawa ko o lalo lang naging awkward yung sitwasyon.

Tumango lang siya at lumabas na kami sa KTV room. Hindi siya nagsalita at diretso lang sa paglalakad patungo sa paglalakad. Nalungkot naman ako ng hindi niya man lang ako niyaya kumain.

Gaga ka ba Andie? Eh ikaw yung nagsabing uuwi ka na! Hay.

Tahimik ang biyahe namin patungo sa bahay namin. Nagbago talaga mood niya. Ang kulit niya kanina pero ngayon sobrang tahimik. Dahil ba doon sa, ano, sa kiss? Bakit naman siya magagalit dahil doon? Hindi pa naman kami, a? At saka kung talagang mahal niya ako, maghihintay siya!

Teka-- hindi naman ata tamang kwestyunin ko yung pagmamahal niya sakin, diba?

Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa mga iniisip ko. Bakit ba kinakausap ko sarili ko e may kasama naman ako? Malapit na ata akong mabaliw.

"Okay ka lang?" Inangat ko ang tingin ko sa seryosong mukha ni Kevin. Nakatigil na ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Di ko man lang napansin na nakarating na pala kami.

"Ako ata dapat magtanong niyan sayo." Sabi ko at tinanggal ang seatbelt ko. Hinintay ko ang sasabihin niya pero hindi naman siya nagsalita. Wala rin ata siyang balak pagbuksan ako kaya kusa na akong bumaba.

"Sige Kev. Pagod ka na ata. Good night." Tumango lang siya at saka pinaandar ang sasakyan niya.

What the hell?

In My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon