Gab's POV:
Sa lahat ng tulog ko, ito na ata ang pinakamaganda. Nakayakap sa akin ang lalaking mahal ko.
'Wala na akong mahihiling pa'
"Ate Gab! Malelate ka na!" Sigaw ni Chelsea habang kinakatok ang pinto ko.
"Sige bababa na ako." Sagot ko.
Nang lingunin ko si Seth, gising na ito at animo'y pinagmamasdan ang kabuuan ko.
"Good morning, babe. Ligo ka na, ihahatid na kita." Sabi ni Seth.
Hindi ko na siya sinagot, hindi pa kasi ako natutoothbrush. Baka mabaho hininga ko. Nagmadali akong maligo buti nalang at wala nang tao sa kwarto kaya dun na ako nagbihis. Simpleng blue long sleeves lang at black jeans yung sinuot ko at siyempre black combat boots. Mas komportable kasi ako pag ganito yung suot ko. Nakakagalaw ako ng maayos.
Nag-aayos ako ng bag nang pumasok si Seth sa kwarto.
"Hmm. Lahat ba ng engineering students ganito kaganda?" Pagbibiro niya.
"Tch. Konti lang babae dun, puro lalaki sila. Try mo magandang lalaki, madami." Natatawang sagot ko.
"Tara na sa baba, nag-iwan si Chelsea ng breakfast natin."
Bababa na sana ako nang maalala ko yung documents na binigay ni Geoff sa akin.
"Kumain ka na sa baba, may gagawin lang akong assignment." Sabi ko.
"Hindi ka kakain?"
"Hindi na, importante kasi 'to di ko nagawa kagabi. Sige na."
Bumaba naman siya. At ako, chineck ko yung folder na may whereabouts ni Hunter.
'Nasa Pilipinas na siya, pero anong ginagawa niya sa Busuanga?'
"Baaaabe! Fifteen minutes nalang malelate kana!" Sigaw ni Seth sakin.
Isinilid ko yung mga documents sa bag ko. At dali daling bumaba.
"Let's go?" Aya ko kay Seth.
Hindi na ako nag abalang magdala ng leather jacket dahil si Seth ang maghahatid at sundo sa akin ngayon. Aba! Minsan lang to nasa Pilipinas! Sulitin na!
Mga ilang minuto pa ay nakarating na kami sa PIC. Sa parking, pinagtitinginan si Seth. Nakalimutan kong sabihin, dating model si Seth bago siya nag sundalo.
Habang naglalakad papunta sa building ng Engineering, hindi nakatakas ang mga bulung bulungan.
"Is that Seth Auguste? Gosh! He's hot!"
"Why is he in our school? Diba pumasok siya sa army?"
"Maybe because of his girlfriend? I guess it's the girl beside him."
"I can't believe this."
Napangisi ako dahil sa mga sinasabi nila. Ano kayo ngayon? Nang malapit na kami sa room ko, ay hinigit niya ako at hinalikan sa noo. Natawa naman ako dahil yung isang babae nagfaint pa.
"I'll check on Neil. Hindi niya pa alam na nakabalik na ako." Sabi ni Seth.
"I'll be fine. Iiyak nanaman si Neil pag nakita ka niya. Haha!" Sagot ko.
Si Neil Ivan Campbell ay kapatid ni Seth. Nag aaral din siya sa PIC. Nasa medical field naman siya.
"I'll pick you up after class. I love you." Sabi niya sabay halik sa labi ko.
'Ang daming tao!'
Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko. I heard him chuckled.
"I-i love you too." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
Exchange Of Hearts
DragostePrideus Cole. Isang lalaking hindi maramdaman ang puso niya. Isa siyang 'manhid', literal na manhid. Nang dahil sa isang pagkakamali, nagbago ang buhay niya. Paano kaya mapapa-ibig ang isang taong patay ang puso? May pag-asa pa kaya?