Exchange Five:

4 1 0
                                    

Gab's POV:

Umaagos yung dugo mula sa pisngi ko. At aaminin ko sobrang sakit na ng braso ko. Dagdag mo pa yung mabahong hininga ni Hunter. King ina. Nakakamatay.

"Edi natahimik ka rin? Madali ka naman palang kausap eh." Mahinahon na sabi ni Hunter.

'Ang baho talaga bwiset'

"Nagpapadentista ka ba?" Mahinahong tanong ko. Lubos lubosin na, lalabas na ko mamaya di ko na maaasar to.

"Ano bang klaseng tanong yan?! Pero sige sasagutin ko. Oo bakit?" Nagtatakang tanong niya.

"Talaga? Sabihin mo sa dentista mo, hindi niya ginagawa ng maayos yung trabaho niya. Pfft." Pang aasar ko.

"Anong gusto mong sabihin?!" Galit na sigaw niya.

"Na ma- Pfft! Mabaho hininga mo, dami sigurong butas ng ngipin mo-" Naputol ang sinasabi ko nang bigla niyang hablutin ang panga ko.

"Wala akong panahon makipagbiruan sayo Javier. Manahimik ka jan kung ayaw mong mamatay ng maaga." Gigil na sabi niya sa akin.

"Babe come in."

Hay salamat. May back up na. Boyfriend ko pa talaga.

Ngumisi ako kay Hunter at inasar pa siya lalo, "Pag nabuhay ako, isasama kita sa dentista ko."

May built in device sa middle part ng tenga ko, mahirap maconnect sa device na ito dahil piling system lang ang pinapakinggan. Ang pang aasar ko kay Hunter ay isang response kina Seth na buhay ako at malapit ako kay Hunter.

"Aba't- Gusto mo talagang mamatay 'no?! Ang kapal din naman ng mukha mo! Reapers! Pahirapan 'yan!" Utos niya sa mga reapers at lumayo sa akin.

"Babe, papasok na kame."

"Don't." Mahinang bulong ko.

"Papahirapan ka nila."

"Not the right time yet. Hintayin niyong si Hunter ang lumapit sakin."

"C-copy that."

Walang magagawa si Seth kundi ang sumunod sa akin, dahil sa misyong ito ako ang commander.

Isa isang naglapitan ang reapers.

"Maganda ka sana, kaso ginalit mo ang boss namin eh." Sabi nung isa sabay suntok sa panga ko.

'King ina masakit yun ah'

"Yan lang ba?" Sabi ko sa kanila.

"Naghahamon ka pa ha! Etong sayo!" Sinuntok niya ako sa tiyan.

"Ang hina mo para sa lalake."  Pinanatili kong matatag yung boses ko kahit sobrang sakit na ng katawan ko.

Sinunod sunod nila ako ng suntok at sampal. Pero di ako nagpatinag.

"Duwag ka talaga Hugh. Bakit ba hindi mo ako kalagan dito, at tayo yung magharap? 'Wag mong sabihing takot ka sa babae?" Sabi ko kay Hunter habang ngumingisi.

"Ang kapal naman ng mukha mong hamunin ako sa ganyang estado mo. Baka nga kahit sampal eh hindi mo magawa eh. Pero sige, pagbibigyan kita... Kalagan niyo yan!" Utos niya sa kanila.

Nang tanggalin nila ang pagkakatali ng kamay ko, nakahinga ako ng maluwag. Tinakpan ko ng isang kamay ko yung tama ng bala para mabawasan ang pagdurugo. Nanghihina ako dahil sa halo halong sakit at pakiramdam ko napakaraming dugo ang nawala sa akin.

"On my queue." Bulong ko sa kabilang linya.

"Code red on standby."

Tinakbo ni Hunter ang distansya namin at agad sinuntok ang mukha ko. Nalasahan ko ang dugo mula sa labi ko kaya naman kahit nanghihina'y sinalag ko ang braso niya at inikot ito papunta sa likod niya.

Exchange Of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon