Exchange Two:

6 1 0
                                    

Kairo's POV:

"Grabe! She's obviously my type." Seryosong sabi ni Devon habang sinusundan ng tingin si Gab.

'She's my type too'

"Ibang iba siya sa mga babae dito. And she's simple." Sabi naman ni Jiro at nagsimula na siyang maglakad. Sa di kalayuan, nakita ko si Prideus na naglalakad papunta sa nilakaran ni Gab kanina.

'Saan papunta yun?'

Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Habang naglalakad, di ko maiwasang isipin si Gab. Iba talaga yung dating niya! Yung porma, yung motor niya, yung kilay, yung mata, ilong pati yung-- labi.

"HOY!"

"Ay Gab!" Wala sa sariling nasabi ko.

"Tsk. Tsk. Pano ba yan Devon? Mukhang may karibal ka na agad?" Pang aasar ni Jiro.

Tinignan naman ako ni Devon, "Balato mo na siya sa akin. Minsan lang ako magkagusto eh."

"Are you crazy?! She's not my type. Nasabi ko lang yun dahil-- dahil naaalala ko yung motor niya! Oo tama! Magpapabili ako ng ganon kay Daddy!" Pagsisinungaling ko.

Sorry Devon. But I won't let her slip away easily.

"Eh yun naman pala eh! Edi solo ko na si Gabby." Sabi niya.

Napalingon naman kami ni Jiro sa kanya, "GABBY?!"

"Yes, Gabby--Gab plus by from baby!" Sabi ni Devon na parang nag iimagine.

'Nalintikan na'

"Umorder na nga kayo! Baka dumating si Gab eh!" Sigaw ko sa dalawa.

"Okay bro. Just save our seats." Sabi ni Jiro.

Dumiretso silang dalawa sa cashier at umorder. At ako, naghanap ng mauupuan namin. Hindi naman porket sikat kami may nakasave na upuan, this school promotes equality. Pero may mga estudyanteng tingin samin ay mga Prinsipe.

Nang makarating sila Jiro sa table, agad nilang hinanap si Gab, "Wala pa si Gab?"

"Wala pa, pero baka pabalik na magti thirty minutes na siyang wala eh." Sagot ko.

"Should we wait for Gabby then?" Sabi ni Devon.

"Yea. Tsaka si Prideus wala pa." Sabi naman ni Jiro.

'Oo nga pala, si Prid'

Nakaharap kaming tatlo sa entrance ng cafeteria nang bigla naming mahagip sila Gab at Prid. Hinatak ni Prid ang braso ni Gab at parang galit na sinigawan ito. Hindi namin marinig ang pinaguusapan nila dahil na rin sa ingay ng loob ng cafeteria.

May mga ilang estudyanteng nakapansin at nagbitaw ng mga masasamang salita tungkol kay Gab.

"First day palang, nakuha na niya ang atensyon ng mga prinsipe. Ano siya nagpapalapad ng papel?"

"Sabi nung taga Section C, nakita niya daw sila na magkasama sa ginagawang building kanina."

"Ang landi niya! Kairita!"

Sinamaan ko sila ng tingin.

Napatingin ako kay Jiro nang marinig ko siyang nagpalatak.

"Mukhang nandito na ang tunay mong karibal." Sabi ni Jiro na may ngiting nang-aasar.

"Hahahahaha! Si Prid? Karibal? Eh simula nung maging magkaibigan kami wala pa atang naipakilalang fling o girlfriend yan eh!" Sabi ni Devon habang tumatawa.

Totoo ang sinabi ni Devon. Kahit kailan walang napakilalang babae samin si Prid, kahit Mommy niya di pa namin nakikita. Di rin siya pumapansin ng ibang babae bukod sa prof namin at Principal.

Exchange Of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon