the passenger

316 1 0
                                    

Hi diary,

Ako ang unang entry. Ako si Alva isa akong model. 20 yrs.old.One week ago ng mabalitaan ko na may umaangkin sa lupain na nabili ng parents ko sa bicol. Since wala ang parents ko dahil nasa cruise sila ay naisipan kong ako na lakang ang umuwi doon para sana maayos ko ang lahat.

Since may kotse ako napagdesisyonan ko na magdrive na lang pero since tawid dagat ang pupuntahan ko kailangan kong isakay sa roro ang kotse ko. Dumating ako sa pier ng 2am habang nag iintay ako sa kotse na rin ako natulog.

Mga bandang five ng magising ako at inayos ang mga papel para maisakay ko sa roro ang kotse ko. Every 8 am at 12noon lang kasi ang trip ng roro so kung ndi ako makakasakay sa unang trip matagal pa ang pag aantay na gagawin ko. Pero dahil may mas mga naunang naka book at napuno ang unang roro nawalan na ako ng chance at naisip ko na 12 noon na ako makakasakay.

Pero biglang may dumating na isang roro although mas luma siya okay na din dahil kailangan kong makasakay talaga ng roro.

Tinawag na ako. Nagulat pa nga ung tumawag sakin at nang ibaba ko ung bintana. Hindi ko alam kung narecognize niya ako or nagulat siya dahil babae ang driver wala kasi akong nakitang babaeng driver na nagsakay ng kotse sa roro sa unang batch.

Maraming seaman ang nag aassist pero hindi kagaya ng unang roro konti lang ang pasahero. At pang karaniwan na kasabay ko ay puro truck na ndi naman bumaba ang driver at ahente.

Pagkapark ko ay bumaba ako ng kotse. Hindi ako pumasok sa aircon room sa labas ako pumuwesto minsan lang kasi ako nakarating dito kaya kailangan kong i enjoy ang view. Dun ko na realize na talagang konti lang ang pasahero.

Lumakad na ang roro. Napansin ko na puro lalako talaga ang tripulante ng barko. Dumukdok ako sa upuan para sana makabawi ako ng tulog dahil sa haba ng oras na nag drive ako. Namalayan ko na may tumabi sakin.

"Hi. May ticket ka na?" Since naka uniform siya alam ko na crew siya ng barko na nag che check. Pinakita ko sa kanya ang pinagbayaran ko sa pagsakay ng kotse ko. Habang tinitignan niya un ay tiniyitigan ko rin siya infairness gwapo siya at fit pa ang katawan hawig nga siya ni jake ejercito e.

"Ikaw pala ung sinasabi nila sa baba ung driver ng nissan"sabi niya sakin.

"Ako nga un"sabi ko sa kanya.

"May kasama ka ba?"tanong niya sakin.

Nilibot ko ang paligid ko dahil konti lang ay mag kakalayo ang tao.

"Wala akong kasama."sagot ko sa kanya.

"Matagal tagal na byahe to. 4hrs."

"Okay lang pwede naman akong matulog saglit"

"Ayaw mo bang lumipat sa aircon room?"

"Hindi na mas na eenjoy kong nakikita ang dagat"simpleng sagot ko.

"Im Troy."pakilala niya sa sarili niya.

"Alva."

"Pare iba ka talaga. Natalikod lang kami naka da moves ka na"sabi ng isa sa kasamahan nitong crew na bagong dating.

"Sira ka talaga pare."iiling-iling na sagot na lang nito.

"Miss wag kang naniniwala dyan bawat hinto namin may chicks yan"biro niya sakin. Nginitian ko lang siya.

Umalis saglit si Troy. Ako naman ay dumokdok ulit para makatulog.

Nagulat pa ako ng paggising ko ay namalayan kong nakahiga na ako sa lap ng kung sino man. Napabangon tulong ako bigla.

Medyo nakahinga ako ng maluwag ng si Troy ang nakita ko.

"Sorry nahihirapan ka kasi kaya naisipan kong ihiga ka sa lap ko"sabi niya sakin. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid karamihan tao ay tulog ung iba namang nasa harap ay busy sa panonood.

Spg Diary(one shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon