iii

82 8 6
                                    

I THOUGHT I'M YOURS 2016 ©

The Beginning...

"Okay?" Tinanong ng lalaki sa babae habang magkausap sila sa phone "Okay." Sagot naman ng babae sa kaniya.

Okay will be our always.

Kinikilig talaga ako everytime na pinapanood ko ang "The fault in our stars" pero at the same time nakakalungkot dahil namatay yung lalaki, but still alam kong mahal pa rin nila ang isa't isa.

Parang ganito ang kwento ng lovelife ko ngayon. Masaya kami nung umpisa. Kahit wala kaming sakit or anything at walang namatay samin dalawa. Nararamdaman ko yung sakit na naramdaman ni Hazel ng iwan siya ni Augustus.

Pero alam kong wala ng mas masasakit pa kung mamatay ang pinakamamahal mo.

"Aly maniwala ka sakin. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit niya gustong masaktan kita, at wala akong ibang hiniling kundi ang magkapera para sa nanay ko. And I'm really really sorry. Please, Aly this time. Totoo na lahat ng sinasabi ko sayo." Napaluhod ako dahil sa mga naririnig ko halos manghina ang tuhod ko.

Hindi ko na alam kung paniniwalaan ko pa siya.

"Hindi ko hinihiling na mapatawad mo ko. Dahil alam kong walang kapatawaran ang mga nagawa ko sayo. At gusto ko lang ay ang maniwala kang mahal kita."

Matapos ng lahat ng pinaggagawa nila saking magkapatid? Masyado nilang inabuso ang puso kong puno ng pagmamahal.

"Sa tingin mo pagkakatiwalaan pa kita? Matapos lahat ng mga kasinungalingang pinapakita at sinasabi mo sakin ha!?"

Hinawakan niya ko sa braso at inalalayan akong makatayo.

"Wag mo kong hahawakan." sabi ko na sa sobrang inis, nagiging husky na ang pananalita ko.

"Totoong mahal kita Aly! Sige na! Oo na! Nung umpisa wala talaga akong nararamdaman sayo, pero ng magtagal nagbago lahat ng yun. Dahil mahal na kita."

Huminga ako ng malalim. Naguguluhan na ko, sa mga sinasabi niya gustong gusto kong maniwala. Pero bakit ganon? Parang may pumipigil sakin na tapusin ko na ang lahat? Kahit anong pilit kong maniwala sa kaniya mas nangingibabaw pa rin ang galit na nararamdaman ko?

"I love you" sabi niya sakin at ang tangi ko lang nagawa ay ang titignan siya ng seryoso habang walang tigil ang pagpatak ng luha ko.

Sana maging masaya ka na Alex, hindi ko na kayang tiisin pa ang sakit na nagawa mo sakin. Tama na, ayoko na. Suko na ko, kahit mahal na mahal kita.

I gave him a sad smile.

"After all this time Alex, I thought I'm yours." At wala na kong nagawa kundi ang tumakbo at hinayaang bumagsak ng tuluyan ang luhang nagmumula sa mata ko.



I thought I'm yours.


...

I Thought I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon