6

47 7 8
                                    

Aly's POV

"Aly?" Napalingon ako sa tumawag sakin.

"Uy, James!" Bati ko naman sabay ngiti.

Si James, close ko siya mula sa kabilang section. Ang crush ni Mary.

"Ang aga mo pumasok ah, diba sa kabilang building ang room niyo? Bakit ka nandito? May inihintay ka ba?"

Boom.

Alam mo, yan ngang tanong mo sakin. Halos nilamon na ang pag-iisip ko. Eh hindi ko nga alam kung bakit ako nasa building nila eh, habang naghihintay sa may bulletin board.

"Ah........wala lang! T-trip ko lang" sabi ko pa ng patawa-tawa para hindi mahalatang hindi talaga ang intensyon ko dito.

"Ah ganon ba?" Ngumiti siya sakin at tumawa na lang ako habang tumango tango.

"Una na ko, bye!"

Hindi ko na hinintay na magpaalam siya sakin at tumakbo na ko papunta room.

Aly, ano ba 'tong ginagawa mo? Hinding hindi mo magagawang bumangon ng maaga, at maghintay sa ibang ibang building ng halos wala pang mga estudyante.

Aly akala ko ba hanggang maaga iiwasan mo na? Eh pinagloloko mo ata ako, ikaw na mismo ang tumutulak sa sarili mo sa kaniya.

Siguro naman sa nangyari kagabi, hindi siya masyadong naapektuhan. What I mean is. Wag sanang lumaki ang gulo.

Buong klase hindi sinasakyan yung mga trip nila Shane ar Mary. Ewan ko ba bigla ako nawawala sa mood. Tanong ng tanong sila sakin kung ano ang problema ang sabi ko medyo masama ang pakiramdam ko kahit hindi naman talaga.

Pinagalitan pa ko ng English teacher kasi imbis cursive dapat ang hand writing napaghiwahiwalay ko kaya ayun sa labas ako pinag-exam. Wala tuloy akong nakopyahan.

Lunch break wala akong ginawa kundi ang mameke ng mga ngiti sa mga taong nakapaligid sakin. Naiirita na ko sa paulit ulit nilang tanong, "Ano bang nangyayari sayo?" na mismong hindi ko din alam kung ano ang nangyayari sakin.

Nag-uwian na "Yehey! Uwian na!" Sabi ko ng matamlay habang papunta ako sa parking lot. Ihahatid kasi ako ni mama. Dahil ito na ang first day ko, buti nga at pinaalala sakin nila Mary na start ko na sa gig ko, nako kung hindi? Malamang dumiretso na ko pauwi.

"Bakit naman naka-simangot ang prinsesa ko? Hindi ka ba excited."

Nginitian ko siya.

Umayos ka nga Aly. Maraming tao na ang naapektuhan sa inaasal mo ah!

"Ah sa sobrang excited ko nga hindi na ko nakapag-rehearse, kaya ito kinakabahan ako!" Nginitian niya ko.

"Kaya mo 'yan Aly, ikaw pa ba?" Tumahimik na ko habang nasa kalagitnaan na kami ng byahe, medyo natagalan kami dahil traffic. Pwede naman akong magcommute papunta dun, magl-lrt lang ako tapos isang jeep lang.

Pero ayaw daw nila akong malate sa first day, ang kaso. Mukang malelate na ata ako.

"Na-text ko na ang tita mo, ang sabi niya may pansamantala daw munang ibang kakanta ngayon dahil anong oras na. Pasensya na anak ha?"

I Thought I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon