1

81 8 11
                                    

Aly's POV
(Alyssa Mae Rendora)


"Ma?" Halos hindi ko magawang gumalaw, halos nanginginig ako sa kaba.

"Pa?" Tinignan nila ako ng seryoso.

Shet ka Aly, pano mo ba sasabihin ngayon sa kanila ang naging resulta? Sasabay ba naman ako sa nangyari kay mama? Paano kung mabigla sila ng husto at maging iba ang reaction nila, ano ng gagawin ko.

"Ma, Pa?" Pag-uulit ko. Tinanguhan ako ni papa na para bang sinasabi niya na sabihin ko na ang dapat ko sabihin.

Tumatagaktak ang mga pawis ko. Pinunasan ko ito gamit ang kamay ko. At hinarap sa kanila ang papel na hawak.

"Mama, Papa. Positive po." Nabigla sila sa nasabi ko at sabay sabay kaming nagulat.

Huminga ako ng malalim at ngumiti ng abot tenga.

"TANGGAP NA PO AKO SA THEKEITHKAT RESTO BAR!" Halos natatalon talon kaming tatlo at kasama na dun si Manang.

Sa wakas na sabi ko na rin na natanggap ako sa trabaho!

"Ang galing mo sweetie. We're so proud of you." Sabi ni Mama at hinalikan ako sa noo.

"Pagbutihan mo anak, dahil pinagbigyan ka na ng tita mo na ipasok ka sa bar niya. Kahit na bata ka pa."

Nginitian ko siya, "Opo!"

Ang ganda ni mama kahit na nakapang-hospital gown siya. Bumalik na ang muka niya dati, sumigla na siya at naging masayahin na.

Buti na lang sunod sunod ang mga magagandang bagay na nangyayari sakin.

Sobrang saya ko dahil natanggap ako sa bar ng tita ko. Matagal ko na talagang pangarap maging isang GRO.

Joke! Hindi ako nag-apply dun dahil sa gusto kong mag-GRO no! Syempre nag-apply ako dun para kumanta every friday night. Every friday lang ako pwede dahil nga sa estudyante pa lang ako, ayaw rin ni tita na ibalewala ko ang pag-aaral ko.

Ilang beses kong tinry mag-apply dun. Kahit na kapatid siya ni mama, ayaw niya kong tanggapin nun dahil sa edad ko. But now, tignan niyo nga naman next week na magi-istart!

Inutusan ako ni Papa na bayaran ang bills namin lahat dito sa hospital. Dahil pwede ng ilabas si Mama.

Hinawakan ko ng maigi ang perang hawak ko. "Alam kong hindi lang dahil sa pera kaya ka gumaling mama. Your faith has healed you. Thank you papa God."

Habang naglalakad ako, may nakapukaw ng atensyon ko. Nakita ko ang isang lalaki na iyak ng iyak habang nasa labas ng Emergency Room.

Ngayon lang ako nakakita ng lalaking ganito umiyak. Lalapit ko sana siya ng bigla akong tinawag ni Papa.

"Aly! Saan ang punta mo?"

"Ah.... Eh k-kase..." Napakamot ako ng ulo. Ano bang sasabihin ko dito?

"Tama nga ang mama mo at maliligaw ka nga dito. Akin na yan, ako na magbabayad. Ikaw na muna magbantay sa mama mo." Inabot ko sa kaniya ang pera.

"Sige po, susunod ako." Nginitian niya ako at binalik ko ang tingin ko sa lalaki kanina.

Hindi ko maintindihan kung bakit ako tumabi sa kaniya at umupo kung saan siya nakaupo.

Nakatakip sa muka niya ang dalawa niyang kamay. Pulang pula ang buong muka niya, dahil na rin siguro sa kakaiyak.

Tinapik ko siya sa balikat niya. "You'll be okay."

Pagkatapos ng ginawa kong yun. Tumakbo na ko dahil sa ginawa ko. Hingal na hingal ako ng makapasok ako sa kwarto ni mama.

Mahimbing ang tulog niya.

Napaupo ako sa sofa hawak hawak ang dibdib ko dahil sa hinahabol ko pa rin ang hininga ko.

Siraulo ka talaga Aly! Ano bang pumasok sa isip mo at ginawa mo yun? Baka ma-creep out yung lalaking yun dahil sa pagtapik mo sakin.

Napatawa na lang ako ng parang baliw sa nagawa ko. Magiging maayos din ang pasyenteng iniiyakan niya.

...

Habang nasa loob kami ng kotse tatlo nila mama at papa. Pauwi sa bahay namin, hindi mawala sa isip ko yung lalaking yun. Yung lalaking grabe ang iyak na halos mamula na ang buong mukha niya.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-alala.

Kamusta na kaya ang pasyenteng yun? Nakauwi na kaya yung lalaking yun? Nasa maayos ba ang kalagayan niya?
Sana naman okay lang siya.

Aly, seriously? Kelan ka pa naging concern sa mga ganyang tao?

What the hell? Anong ginawa ng isang yun sakin?

Bahala na matutulog na ko, at papasok pa ko ng maaga bukas.

...

I Thought I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon