Aly's POV
Halos nanghina ako ng makita ko si mama na mahimbing na natutulog. Alam kong hinang hina siya dahil sa mga nangyari.
"Maayos na siya Aly, tinawagan ko ang doctor niya pahinga lang daw ang dapat na gawin niya." nginitian ko sa Manang Delia at inayos ko ang kumot sa katawan niya.
Ki-niss ko siya sa noo. "Magpahinga ka na ma."
Lumabas na kami ng kwarto at ako dumiretso sa kitchen para kumain. Sinabi ko kay Manang Delia na matulog na siya at ako na bahala sa kakainin ko.
Nagluto lang ako ng bacon at ng itlog. Buti na lang at may natirang sinaing pa kanina.
12:30am
Huminga ako ng malalim at nagsimulang kumain. Wala si papa dito dahil nasa business trip siya sa Batangas. Pero alam kong alalang alala na yun kay mama.
Habang nasa kalagitnaan ako ng katahimikan sa bahay habang kumakain. May narinig akong nagdoor bell.
Bigla ako nakaramdaman ng kaba.
Sa ganitong oras may magdodoor bell pa ba? Hindi ko na lang pinansin dahil baka mga bata lang yun na magdodoor bell sabay takbo.
Halos mabuga ko na ang kina-kain ko ng may biglang mag-door bell ulit.
Napa-tayo ako. Hindi kaya magnanakaw yun?
Binatukan ko ang sarili. Ang tanga mo talaga eh no? Malamang kung magnanakaw yan, hindi yan nagdoor bell. Dederetso agad yun sa mga kwarto kwarto. Kelan ka pa nakakita ng magnanakaw na magdodoor bell muna bago manugod ng bagay?
Hay Aly.
Gamitin ang utak, please?
Hindi kaya multo yun?
"Ay pusa!" Nagulat ako sa naisip ko at may nagdoor bell ulit.
Nanginginig akong naglakad papunta sa labas. At papikit kong pinagbuksan ng pintuan ang kung sino mang nang-iistorbo samin sa dis-oras ng gabi.
"Aly!"
Napasimangot ako ng makita ko siya sa labas ng gate.
Anong ginagawa niya dito?
Binuksan ko ang gate at hindi ko na siyang hinitay pang makapag salita.
"Alex, alam mo ba kung anong oras na ha? Bakit ka ba nandito? Diba sabi ko sayo ayaw na kitang makita?"
Ngumiti siya habang nakatingin sakin.
Nagbibiro ba siya? Sa lahat ng pwede niyang i-react sa sinabi ko bakit ang ngumiti pa?
"May ibibigay lang ako sayo------"
"Hindi na ko tatanggap ng kahit ano mula sayo, makakaalis ka na." Hindi ko na siya hinitay na makapag-react dahil dali dali kong sinara ang gate at pumasok sa loob ng bahay.
Napansin kong may tinatago siya kanina sa likod niya gamit ang dalawa niyang kamay. Ano kaya ang dapat na ibibigay niya?
BINABASA MO ANG
I Thought I'm Yours
Teen Fiction[ON-GOING] I Thought I'm Yours 2016 © Dare started: May 23,2016