Aly's POV
"HAHAHAHA ANG EPIC TALAGA NI ALY KANINA HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
"OKAY NA SANA EH KAYA LANG NAKATAYO PA SIYA SA UPUAN HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
"LAPTRIP TALAGA HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA WOOOH HAHAHAHAHAHA"
Galing no? NAPAKA-AMBABAIT NILA! Sobra sila sakin, hindi man lang sila nag-alala sakin kung ano yung naramdaman ko nung moment na yun. Huhuhuhu, grabeng hiya ko kaya nun.
Kasalukuyan kaming nag-aayos ng gamit dahil mag-uuwian na. Hinihintay na lang namin mag-bell. At itong dalawang lukaret na 'to. Grabe pa rin makatawa, hays!
"Hoy mga bruha! Una na ko sa inyo byieeeeee!" Sabi ko at nakipagbeso beso pa ko. At sinabihan pa ko ni Shane na wag daw akong tatayo sa upuan habang maglalakad.
Napatawa na lang ako sa kalokohan nila.
Ganyan naman lagi. Ang lalakas namin magtrip. Ang problema lang, halos sarili lang namin yung napagtitripan namin. Since 1st year high magkakaklase kaming tatlo, pinapalad kami dahil hindi kami nagkakahiwahiwalay ng section. Solid kumbaga, pero actually nakakasawa na rin minsan yung mga pagmumuka nila.
At heto ako ngayon, nagsasayang ng oras. Dahil may isang lalaking desperadong makasama ako pag-uwi at ginawang pang-block mail sakin ang mahiwagang ID ko.
Ng nakita niya kong papalapit sa kaniya, nginitian niya ko habang hawak hawak ang ID ko.
Geez, nakakasira ng araw.
"Masaya ka na?" bungad ko sa kaniya sabay hatak ng ID ko.
Hay salamat! Madali na lang ako makakatakas dito. Bilis ko kayang tumakbo.
Nginitian niya ko at medyo lumapit siya sakin. Napalunok ako, ang lapit ng muka niya sakin at feeling ko nag-iinit ang muka ko.
Shemay, batukan mo Aly! Ng makatikim nyan!!
"Subukan mo lang tumakas" medyo lumapit siya sakin. "Yari ka sakin." sabi niya sabay kindat.
Ano bang meron sa mata niya at kindat siya ng kindat? Kung sa tingin niya naapektuhan ako sa ginawa niya.
Pwes.
Napaka-effective! Waaaah Aly bakit ba hindi mo siya binatukan ha? At kailan ka pa natakot sa mga ganyang klaseng tao? Nakakainis ka alam mo yun?
"Mamaya ka na kiligin, tara na." Nginitian niya ko at inirapan ko siya.
Ako? Kinikilig? Kanino? Sa kaniya? Wag siyang assuming! Si My loves Theo James lang ang makakapagpakilig sakin!
BINABASA MO ANG
I Thought I'm Yours
Teen Fiction[ON-GOING] I Thought I'm Yours 2016 © Dare started: May 23,2016