ONE

1K 24 1
                                    

Nilibot ng paningin ni Seulgi ang kanyang bagong nilipatang paaralan ang Big Hit University. Iilang estudyante na ang naglalakad sa malawak na school ground. May ilang nerd sa harap niya at binigyan siya ng mga ito ng blangkong tingin, nahalata marahil na hindi siya magaling sa Academics tulad ng mga ito. Mayroon ding isang clique ng mga babaeng sosyal at binigyan siya ng disapproving look mukhang hindi nila nagustuhan ang porma niya. Seulgi is just an ordinary girl, she wore a plain black crop top shirt, a white skinny jeans and a pair of white sneakers, hindi rin ata ng mga ito nagustuhan ang kanyang buhok. Malayong malayo kasi ang porma niya kumpara sa mga maaarteng porma ng mga ito at hindi rin siya nakamake up na tulad ng mga ito.

Nang nilibot niya na ay nakasalubong siya ng iilang grupo ng mga basketball player, soccer player at iba pang varsity ng school at kinikindatan siya ng mga ito kahit na di siya makapag-ayos ay natatangi pa din ang kanyang ganda.

Paglingon niya sa isang sulok ng hallway ay nakita niya ang isang malaking lalaki at binubully nito ang isang payat na lalaki. Maya maya may mga dumaraan din at nagmamadali na para pumasok sa kanilang mga classroom. So this was Big Hit University, this was her new school. May pakiramdam siyang hindi niya magugustuhan ang eskuwelahang iyon, puno ito ng boring nerds, bitches, cocky perverts, at bullies.

Na-kick out siya sa SM Town College dahil nahuli siya ng  isang school official at pinipintahan ang bakanteng wall sa likod ng fine arts building, vandalism daw iyon dahil hindi siya humingi ng pahintulot para gawin iyon, hindi rin maganda ang tema ng mural niya, it was about being radical. Palagi siyang nasasangkot sa gulo, madalas ay dahil yun sa pagtatanggol niya sa mga nerd na binubully at naisasali siya sa binibigyan ng disciplinary action, madalas pa ay mismong professor niya ang nagdadala sa kanya sa discipline committee dahil sa mga prank niya dito, nagawa niya iyon dahil palagi siyang pinag-iinitan at ipinapahiya nito sa harap ng klase at iyon ang huli niyang offense ang dahilan kaya tuluyan siyang pinaalis.

And that is the reason why she transfered at Big Hit University despite sa mga bad records niya sa kanyang dating paaralan gumawa ng paraan ang kanyang Daddy Baekhyun upang tanggapin sya dito.

Unfortunately, kailangan niya ulitin ang 3rd year sa kurso niyang Bachelor of Fine Arts major in Painting. She was already twenty-one years old and should have been in fourth year if she hadn't kicked out.

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at naghahanap siya ng lugar na maari niyang tambayan kahit nag-iisa lang siya. She didn't really care if she don't have any new friends. She could survive alone in her new environment. She was independent,free, naughty ang she loved to goof around. A lot of people couldn't relate to her personality, may pagkasuplada din siya. It was her life.

Along the way ay nakatuwaan ni Seulgi ang maglakad lakad sa garden sa likod ng school. Napahinto siya nang makarinig siya ng maharot at impit na tawa ng isang babae na iglap din nawala, kasunod nun ay nakarinig siya ng mahinang ungol. May mga tao pala sa likuran ng halamanan, dahan dahan siyang lumapit doon at pabiglang hinawi iyon.

---------------------------------------

Seulgi's POV

"Owww, nice place and nice position" nakangiti kong bati sa babae at lalaki na nahuli kong naghaharutan ang lalandi putangina! sa garden pa ng school napili magharutan -_-

"Hi ummm i'm a transferee " inilahad ko ang aking kaliwang kamay pero tinignan lang ako nilang dalawa :3

"I'm wondering kung saan ang discipline office?" dagdag ko

"Wag mo kaming isusumbong dun" wika ng lalaki sa seryosong tono

"Ha?" luh wala akong pake sa inyo at di ako magsusumbong noh pakyu ka pala naglalandian kayo tapos takot pala kayo maireport sa discipline committee sabi ko sa isip ko, so mukhang strict din ang Big Hit University di ko na binasa yung tungkol sa PDA chuchu hahahaha

In The Name Of Love |seulmin|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon