TWO

640 17 2
                                    

Jimin's POV

"Hey Jimin, okay ka lang ba pare?" tiningala ko si Jungkook na nakatayo sa harap ko at si V, Jhope, Jin, Namjoon at Suga ay nakaupo naman sa sa bench kasama ko, mga kabrod ko sila sa BTS fraternity at si Jungkook naman ang bestfriend ko na kaklase ko sa kursong BS Accountancy

"Kanina ka pa tulala at kanina pa ako salita ng salita dito pero di ka nakikinig" dagdag ni Jungkook

"Ang lalim naman ata ng iniisip mo pare?" puna ni V

"Let me guess, ayaw mo na kay Jennie no? pinoproblema mo kung paano siya ididispatsa?" ani Suga

"Pero kailangan pa ba yung problemahin eh hindi mo naman siya gf?" sabi naman ni Jhope

"Or maybe may bago siyang tinatarget na chick?" wika ni Jin

"Oh don't tell me that Japanese girl na transferee na nasa cafeteria kanina yung natitipuhan mo? well i know you so well Jimin Park" panunukso ng leader naming si Namjoon

"Oo nga pare naging tahimik ka na kasi pagkatapos mo siya habulin" dagdag ni Jungkook

"Oo nga" pagsasang-ayon ni Jhope at umupo ito sa tabi niya

"Type mo ba pare? Kunsabagay ang hot at ganda niya kahit hindi ganoong tipo ang hilig mong i-date" pahayag ni V

"Mukhang na-turn on ka sa ginawa niya sa cafeteria" nakangiting sabi ni Jin

"That girl...sabi niya, anak siya ng leader ng Japanese Mafia, at sinabi niya ding mob princess siya" pagsisiwalat ko sa kanina

Nagtawanan sila -_- naknang!

"Anak ka ng walang jams hahahaha, and you even believed her?" tawang tawang tanong ni Namjoon

"Gino-good time ka lang nun" sumbat ni Suga

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" si Jungkook, V, Jhope at Jin naman ay sapu-sapo pa ang tiyan sa kakatawa -_- tangina nila mukha ba akong nagbibiro, nagpapaloko at higit sa lahat walang jams? luh! ang pogi ko para sabihan ng walang jams

"Paano kung totoo? balewala sa kanya na member ako ng fraternity, hindi siya natakot nang sabihin kong mapapahamak siya kapag isinumbong niya ako sa discipline committee, wala pang estudyante dito sa Big Hit University ang nagpakita sa akin ng ganoong klaseng tapang, siya lang, considering she's a transferee at babae pa" giniit ko sa kanila at natahimik sila

"Nakapagtataka nga" ani V

"There are a lot of mafias in Japan. Did she tell you the name of his father? or the group?" tanong ni Namjoon

"No, hindi niya siyempre sasabihin iyon, kung sasabihin niya, para na rin niyang ipinapahuli ang sarili niyang ama" sabi ko

"Wow first time mo nakapagisip ng matino pare" pagpupuri ni Suga

"Kailangan nating mag-imbestiga" sabi ni Jhope

"Hindi pwedeng basta na lang tayong maniniwala" giit ni Jungkook

"Kailangan natin ng ebidensiya" wika ni Jimin at sumang-ayon kaming lahat dito

"So kailangan nating malaman kung may malaking tattoo siya sa likod" suggestion ko

"Tattoo?" nagtatakang tanong ni Jungkook

"Oo pare ganun ang mga gangster sa Japan at China diba? may malalaki silang tattoo sa likod" sabi ko

"HAHAHAHAHA san mo yan nalaman? nanonood ka ba ng mga Japanese movie na sobrang corny" tawang tawa na sabi ni Jhope

"Kailangan malaman natin ang schedule ng P.E. class niya para masilipan natin siya sa girls' locker room" nakangiti kong sabi

In The Name Of Love |seulmin|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon