"She's courting me!!!!!!!"
Pero bago ang lahat eto muna si Eidan
~_~
Eidan POV
"Kuya Ronald? Ikaw ba 'yan"... Tanong ko pa
"Oo ako nga ito?"... Sagot n'ya
And he hug me, so tight! bumalik ang galit ko sa kanya kasi ba naman sa'kin ibinuntong ni Mama ang galit n'ya simula nung hindi umuwi si Kuya Ronald, sa'kin n'ya ibinuhos lahat ng kanyang sama ng loob, at nagtataka ako kung bakit ako ang sinisisi nila dahil wala naman akong kinalaman kung bakit hindi umuuwi si kuya
Tanga lang sila at naghahanap ng masisisi! At higit sa lahat sa akin inasa lahat ng pangangailangan ng pamilya, lahat-lahat ng gastusin sa'kin tinambak, ang tingin nila sa akin ay poon ng pera, sa oras na kailangan lalapit 'yan, parang kuting kung maglambing
"At bakit ka pa bumalik, sana dun ka na lang sa ibang bansa tumira!"... Sigaw ko sa kanya
"Eidan, sorry nakulong ako ng maraming taon, dahil sa kasong 'di naman ako ang gumawa at napagbintangan lang! Sorry!"... Pagkukwento n'ya ng nangyari sa kanya
"Galing mo talaga kuyang gumawa ng kuwento ano? Umalis ka na hindi mo alam kung anong turing sa'kin ni mama simula nung hindi ka na nagparamdam!"... Sigaw ko pa
"Sorry Eidan talaga! 'Di ako pinayagan ng mga pulis na tumawag sa inyo dahil mabigat ang kaso ko kaya pati sila ay galit na rin sa akin, ilang taon ako nagdusa sa kasalanang hindi ko naman ginawa hanggang sa umamin yung totoong may sala kaya ako binigyan ng mga taong naawa sa'kin ng ticket pauwi rito! Sorry Eidan!"... Pagpapaliwanag pa n'ya
"Umalis ka na! Wala akong pakialam sa sasabihin mo! Umuwi ka na kay mama! Tutal ikaw lang naman ang mahal nun!"... Sigaw ko pa
"Kung ganun lang sana kadali ang lahat, paano naman ako makakapunta sa kanila ay wala akong pera? Sorry Eidan!"... Sagot pa n'ya
"Wala akong pakialam sa'yo! Umalis ka na!!"... Pagpapaalis ko sa kanya
Pinagsarhan ko s'ya ng pinto, buti na lang may butas yung pinto kahit papaano ay nakikita ko s'ya dahil hindi pa s'ya umaalis, hanggang maghating-gabi hindi pa rin s'ya umaalis, mukha talagang wala s'yang pera, pinagtitinginan na s'ya ng mga co-boarders ko, at nilalamig na s'ya kasi madaling araw na, at sa tingin ko gutom na gutom na rin s'ya
Maawain naman ako kaya binuksan ko ang pinto
"Pasok na!"... Sigaw ko
"Salamat! Pero kung labag sa loob mo 'wag na lang"... Sagot naman n'ya
"'Wag ka ng makulit dyan pumasok ka na! At marami-rami ka pang sasabihin sa'kin kung hindi ako nagkakamali?"... Tugon ko naman
"Salamat talaga Eidan, sabi ko na nga ba mabait ka pa rin tulad dati?"... Sagot naman n'ya
Pinakain ko s'ya at pinagligo, tsaka ko s'ya inumpisahang kausapin....
"Oh eto ang kape! Bakit hindi ka man lang nagparamdam o nag text bago mangyari sa iyo yun o kung anuman ang nangyari sa'yo, nakahingi sana kami ng tulong sa DFA!?"... Tanong ko sa kanya
"Salamat sa kape, pero kung ikaw ba naman ang apihin ng mga pulis doon dahil ang bigat daw ng kaso ko at iba pa raw ang lahi ko, wala daw akong karapatan na gumawa ng krimen sa bansa nila, hindi man lang nila ako pinayagan na tawagan o itext man lang kayo, muntik na nga akong humantong sa bitay buti sumuko na yung totoong may sala siguro nakonsensya, kaya patawarin mo ako Eidan, 'di ko kayo iniwan!"... Sagot naman n'ya
"Ano bang kaso ito?"... Tanong ko pa
"Murder, napagbintangan kasi akong pumatay dun sa boss namin, nakita ko lang naman na may saksak s'ya sa dibdib tinanggal ko lang, nagkataong may pumasok sa opisina n'ya at yun napagbintangan ako at yung nakakitang 'yon ay s'ya mismo ang tunay na pumatay sa boss ko"... Sagot n'ya
BINABASA MO ANG
Heart On Fire(TSwift,TLautner,SGomez&JBieber FANFIC)
RomansaGaano mo katagal ibibigay ang gustong mangyari ng boyfriend mo Kaya mo bang ibigay ang virginity mo sa kanya, para lang 'di kayo maghiwalay, which is you're not ready to have family Kaya mo bang iwan ang lola mo para sa lalaking iyon You found new l...