M A R I S
PAG dating ko sa bahay galing sa Mall dumiretso ako sa kwarto kasi maliligo ako pinag pawisan kasi ako kanina nung nasa mall kami . Kung ano ano lang kasi ang pinangagawa namin dun , Sobrang nag enjoy talaga ako kanina. hindi ko akalain na mag-eenjoy talaga ako kasi diba karamihan kapag lalaki yung kasama mo sila yung mga KJ sa grupo. Tapos kanina habang sumasayaw kami hindi ko maiwasang mamangha kina Jon at Mccoy kasi ang gagaling nila ang Astig bawat moves nila napaka suave pero may napansin ako kay mccoy parang di nya binibigay yung best nya kanina sa pag sayaw parang ang lalim kasi ng iniisip nya . Parang wala sa pagsasayaw yung focus nya pero kahit ganun ang galing nya talagang sumayaw .
After kong maligo at nagbihis bumaba na muna ako baka kasi andyan na si papa may session kami ngayon sa music room with my mom every wednesday kasi nagbobonding talaga kami , dati kasama si kuya pero now kami lang nina mama at papa .
Hinanap ko naman si Mama mga ganitong oras dapat andito lang si mama sa sala ahh pero ngayon diko mahanap . Nakita ko naman si Ate Cel na bit bit yung mga damit na nilabhan nya ata kanina
"Ate Cel nakita mo ba si Mama?" Tanong ko kay ate Cel , si ate Cel nga pala katulong namin dito sa bahay.
"Nasa kwarto nya ata Maris parang malungkot nga si Ma'am ehh nakita ko kasi may dala syang envelope kanina tapos ayun parang nalungkot sya" Ate Cel
"Hah ehh sige po salamat po ate Cel tignan ko Muna si Mama "
"Sige"
Dali dali ko naman pinuntahan yung kwarto nila mama . Pag karating ko dun kumatok muna ako ng tatlong beses at binuksan ko iyon .
Nadatnan ko si Mama nakatagilid
Pinuntahan ko naman sya at niyakap
"Ma?"
Di nya ako pinansin nakatagilid parin sya pero nararamdaman ko na parang nagtataas baba yung dibdib nya
"Ma okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya habang nakayakap parin ako sa kanya
This time humarap na sakin si mama
"Ma bat ka umiiyak?"
Bat umiiyak si mama ? Ngayon ko nalang ulit sya nakitang umiyak hindi kasi pala iyak na tao si mama Last ko syang nakitang umiyak nung 10 pa ako dahil na ospital ako nun . Ngayong nakikita ko syang umiiyak it breaks my heart
"Ba..baby wala lang ito"
"Ma please tell me the truth anong nangyari?"
Nakita ko naman na may envelope sa gilid ng kama kinuha ko yun at tinignan yung laman
Pictures?
Picture ni Papa habang may kahalik na babae
Paano? Paano nangyari to ? Sa pagkakatanda ko ehh mahal na mahal kami ni Papa . Pero bakit may ganito niloloko ba kami ni papa ?
Hindi nya ba kami Mahal paano na si Mama ngayon ? Paano na kami ni Kuya ?Tinignan ko si Mama Ngayon ko lang napansin na mugto na pala yung mata nya sa kakaiyak
"Mama" sabi ko habang umiiyak na rin hindi ko matanggap na niloko kami ni papa lalong lalo na si Mama dahil sa mahabang panahon nakita ko silang masayang nagsasama kahit kailan di ko pa sila nakitang nag aaway , Nagtatampuhan pero nagbabati din after nun
Ang sakit sakit nung ginawa ni papa diko akalain na magagawa nyang saktan si mama ng ganun ganun lang without even thinking na masasaktan yung taong mahal nya.
I HATE HIM, akala ko matatawag ko ng Perfect yung Family namin but I'm wrong
Tinignan ko si mama ayun parin sya umiiyak awang-awa ako sa kalagayan nya ngayon, gulong-gulo din ang buhok nya, yung mata nya mugtong-mugto din.
"Mama" Sabi ko at niyakap sya ng mahigpit
"Anak si papa mo paano nya ito nagawa sakin? Binigay ko naman lahat lahat , Minahal ko sya ng buong-buo . Hindi ba sapat ang lahat ng yon anak? Bakit ganun bhe? "
"Mama wala po akong ideya mama kasi naging saksi ako sa pagmamahalan nyo, Mahal na mahal nyo ang isat-isa"
"*sob* di ko ata kakayanin na mawala yung papa mo sakin anak. Mahal na Mahal ko sya"
"Mama niloko ka nya mama then you want him to stay?"
"Anak hindi ako naniniwala na niloko nya ako"
"Aist, Ma anjan yung proofs then di ka parin maniniwala dyan? Ma ano ba! "
Ano ba naman ayan na nga yung pruweba tapos hindi pa maniniwala. Ganyan ba talaga kapag nagmahal ka nagpapakatanga ka?
Alam kong mahal nya si papa, ako din naman eh
Close talaga kami sya yung naging best buddies ko sa bahay, sya yung nagtuturo sakin how to play guitar and sing.
Tapos malalaman kong niloko nya kami
Galit na galit ako sa kanya!
I REALLY REALLY HATE HIM!
"What if pinilit lang sya tapos sinabotage sya anak please let's give him a chance ipa-explain muna natin sya "
tss
"Ma naman ehh"
"Please anak para sakin let's give him a chance"
"So anong gusto mong gawin ko? Mag-Iimbistiga? "
Nakita ko naman syang nabuhayan ng loob
"Yes baby pero magiingat ka"
Sigh anong magagawa ko hindi ko matiis si mama
"Pero ma, kapag napatunayan kong kasalan to ni papa pwede na ha Tigil na"
tumango lang sya at niyakap ako
"Okay bhe" smile
"Ma I think you should change na" suwestyon ko
Tumango lang ulit sya.
Pumasok na din sya ng banyo
...............
Pagbaba ko nakita ko naman si papa na paakyat sa kwarto nila bale nagkasalubong kami
Medyo nagulat nga eh
"Oh hi sweetie, magpapalit muna ako ng damit tapos sunod lang akong music room okay"
Hindi ba sya nagi-guilty sa ginawa nya? Sa nakikita ko kasi ngayon parang wala lang sa kanya ehh, parang wala syang ginawang kasalanan
Tinaasan ko lang sya ng kilay
"No need wala akong gana". Cold kong sabi then nilampasan ko sya
-------------------
----
Sorry kung waley yung drama , itutuloy ko lang sa next chappy-ann