"sa-sabi mo m-mahal mo a-ako,nangako ka na hi-hindi mo ako i-iwan..pe-pero bakit i-ikakasal ka?"habang sinasabi ko ang mga katagang iyan hindi ko maiwasang hindi umiyak ang sakit-sakit nang malaman kong ikakasal na ang tong mahal ko.Pakiramdam ko unti-unting dinudurog ang puso ko...Niloko at pinaasa niya lang ako
"Sorry!...patawarin mo ako..Mahal kita pero hindi iyon sapat para ikaw ang piliin ko.. mas Mahal ko siya,hindi mo lang alam kun gaano ako kaswerte nung dumating siya sa akin,hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko...kung talagang mahal mo ako pipiliin mo kung saan ako mas sasaya at iyon ay sapiling niya...makakahanap ka rin ng lalaking mas higit sa akin,yung lalaking mas hihigitan yung pagmamahal ko sayo at higit sa lahat yung hindi ka sasaktan!"sinabi yan ni Luke habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.Pinahid ko ang ma luha sa mata ko..
"Sige!Kung iyan ang gusto mo,kung sa kanya ka mas sasaya...Sana hindi ka niy saktan.Alam mo naisip ko na maswerte rin ako kasi nakilala at naging parte ka ng buhay ko.Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita..Pinapalaya na kita at least nalaman at naramdaman ko na minahal ako ng isang tulad mo"
Narining kong tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko na siya pinakinggan ng tanging gusto ko lang ay ang makalayo sa lugar na iyon,ang makalayo sa kanya.Tumakbo lang ako ng tumakbo hindi ko alam kung saan ako pupunta,hindi ko alam kung saan ako dinadala ng paa ko pugtong-pugto na ang mata ko kakaiyak halos hindi ko na makita ng dinadaanan ko...Marami akong nakakabungguang tao pero wala akong pakialam.Ilang eses narin akong natapilok at nadapa ramdam ko na marami na akong sugat pero hindi ko inintindi iyon.Takbo parin ako ng takbo hanggang sa mapagod ang aking mga paa at kusa itong tumugil.Hindi ko alam na makarating na pala ako sa high way
"Miss tabi..!!"narining kong may sumigaw.Ang bilis ng pangyayari ang tanging alam ko lang ay nakahiga na ako sa kalsada...hindi ko alam kung saan tumalsik ang salamin ko..ang daming dugo ng katawan ko.!!
"Yung babae nabunggo"
"Kawawa naman"
"Sino kaya siya?"
Pinalibutan ako ng mga tao.Walang gustong humawak o magtangkang buhatin ako dahil alam nila na mas lalala lang ang kalagayan ko..ang sakit ng katawan ko...May lumapit sa akin hindi ko makita ang mukha niya masyado na akong hinang-hina at tinggin ko hindi na ako tatagal...
"TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA!!"
Yan ang mga katagang huli kong napakinggan hanggang sa unti-unti nang pumikit ang mata ko.....