Chapter 2

18 1 0
                                    

Ilang linggo na ang nakalipas,magaling at malakas na ako.Matagal na ang nakalipas since naaksidente ako.Kwinento na nila sa akin lahat ng nangyari.Nabangga pala ako ng isang kotse pero sa kasamaang palad tinakbuhan lang ako nung bumangga sa akin.Mabuti na lang at may mabuti silang puso dahil tinulungan nila ako.Hindi ko parin alam ang pangalan ko.Hindi ko parin maalala ang mga kaibigan ko at hindi ko parin alam kung may pamilya pa ako.Iniisip ko 

Hinahanap kaya nila ako?

Andito ako sa bahay nila Dr.Lizarda,yung gwapong lalaki ng napagkamalan kong 25 years old.Isa pala siyang professional at kilala sa ibang bansa.Kung nagtataka kayo kung bakit wala siya sa Ospital ay dahil naka-leave siya para naman daw mas mabantayan niya ako..Diba sobrang bait!!!

Sabi niya dito muna daw ako sa bahay nila hanggang wala pa akong maalala.Alam ko na magtatagal pa ako dito dahil miski pangalan ko ay hindi ko maalala..

Mabait naman yung pamilya ni Dr.Richard Lizarda.Yung asawa niya si TITA Athena at sobrang ganda niya gaya nga ng unang impression ko ka TITO Richard akala ko 23 years old lang siya pero ang totoo ay 43.Oo.TITA at Tito ang tawag ko sa kanila.Ayaw kasi nilang magpatawag sa akin ng MAM at SIR masyado daw pormal at hin di naman daw nila ako katulong tinituring na daw nila akong parang anak.Diba BONGGA at alam niyo ba na sobrang yaman nila.Sobrang laki ng bahay nila at mayroon silang 3 anak.

Si Ate Arah ang panganay nila.MAganda rin ito gaya ni Tita Athena at mala-model ang dating.

SI Janice ang pinaka-cute na bunso nila.Makulit at madaldalsiya.Hindi mo aakalaing 6 years old na siya dahil kung magsalita si Janice parang matanda.

Gaya nga ng sinabi ko lahat sila maganda at gwapo yung tipong mala-artista at mala-model ang dating.Lahat rin sila mabait..Oops mali pala ako may Demonyo pala sa kanila si BAKU..Ganda ng tawag ko sa kanya noh? BAKU short for bakulaw.Dahil hindi nila alam este namin pala ang pangalan ko tinatawag nila akong LEE..pero dahil sa sadyang pasaway si Baku tinatawag niya lagi akong-

"NERD!" sigaw ni Baku.Ayan na naman siya lagi akong tinatawag na Nerd at higit sa lahat laging nakasigaw.

Abat ang makong diretso pasok agad hindi man lamang kumatok.

"Hindi mo ba alam ang salitang KATOK? Paano kung may nakita kang hindi mo pa nakikita sa tanang buhay mo at saka hindi mo na kailangang sumigaw wala naman sa kabilang ibayo yung kausap mo! Ano bang kailangan mo?" mataray kong tanong..nandito ako ngayon sa kwarto KO...hahahahah!...inangkin...eto ako nakahiga

"Ano tingin mo sa akin bob! at kahit maghubad ka pa sa harap ko hindi ako maglalaway sa katawan mo.Marami na akong nakitang ganyan.At pwede ba huwag mo akong diktahan sisigaw ako kung kelan ko gusto.PINAPATAWAG ka ni Mom and Dad kakain na daw " At talagang inemphasize ha! alam ko naman na kahit kailan hindi siya magkukusa  na tawagin ako

Tumayo na ako sa kama

"Susunod na ako!"Isinara ko ng pinto.Ako pa talaga ang nagsara ang damuho lumabas ng iniwang nakabukas ang pinto.Bwiset talaga siya.

Pagkabihis ko bumaba na ako agad.Nakita ko na sila sa dining area.Umupo ako sa tabi ni Ate Arah.Tiningnan ko ang mesa as usual ang dami paring hinandang pagkain kahit hindi naman namin nauubos parang laing may okasyon.

Habang kumakain kami.

Nagkwekwentuhan sila.

"Mom! Pwede ba kamin mag-shopping?" Tanung ni Ate Arah

"Oo naman anak" sagot ni Tita Athena

''KAMI? Sino kasama mo Ate?" Ang cute talaga ni Janice,nakakagigil

"ikaw at si LEE"

"HUH?" nagtatakang tanong ko

"Paano ba naman kasi nung unang nag-shopping tayo ang panget ng mga damit na binili mo.Kaya ngayon ako ang bibili para sayo" pagpapaliwanag niya.

"Oo nga naman kaya ka lalong nagmumukhang manang wala ka kasing taste" Pang-aasar ni Dav-este BAKU.Sinabi niya iyon ng hindi man lamang tumitingin sa akin patuloy parin siya sa pagkain.

"Pumayag ka na iha.Dont worry sagot naman namin yung gastos.

Kahit nakakahiya ay pumayag narin ako.

My Amnesia Ghurl!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon