Chapter 1

19 2 0
                                    

Ugh!ang sakit ng ulo ko.Unti-unti kong minulat ang mga mata ko.Nasaan ako?Bakit puro puti ang nakikita ko?Nasa Langit na ba ako?

"Buti naman at gising ka na!"

OH MY! Patay na nga yata ako! Baka nasa langit na ako.Ang gwapong nilalang naman ang nasa harap ko....siguro ANGHEL to!!

"Asan Ako? Sino ka? Anong nangyari sa akin? Bakit ako nandito?" ang daming tanong ang pumapasok sa isip ko..naguguluhan ako

"Teka lang! isa-isa lang ang tanong mahina ang kalaban.Saka pwede ba wag ka muna mag-isip ng mag-isip makakasama sa iyo yan" iritang sabi niya

"Sino ka? At higit sa lahat ano ang pangalan ko?" Natatarantang sabi ko

"PWEDE BA WAG KA MUNA MAG-ISIP NG MAG-ISIP SABI NG MAKAKASAMA SA IYO YAN EH.ANG KULIT MO NAMAN KASI EH!" Sigaw niya

Pagkatapos niyang sumigaw napaiyak na lang ako bigla.Ano bang nangyayari sa akin? Bakit wala akong maalala? Bakit ni pangalan ko hindi ko alam? Sino ba Siya? Bakit parang hindi ko siya kilala?

Ang daming tanong ang tumatakbo sa isip ko at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng sagot

Unti-unting bumukas ang pinto.pumasok ang isang lalaking sa tantya ko siguro na sa nga mid-25..

"Gising ka na pala iha!" nakangiting sabi niya

"DAD! IKAW NA NGA ANG BAHALA SA BABAENG IYAN.ANGKULIT,HINDI MAPAGSABIHAN!..." nanggagalaiting sabi ng kausap ko kaninang lalaki..

Teka lang..

"DAD?" sigaw ko

"Tatay na po kayo? eh mukha lang po kayong magkapatid" pagpapatuloy ko

"Hahahhaha!Alam mo nakakatuwa ka.Isa pa 45 years old na ako,pero ala ko naman na hindi halata kasi sobrang gwapo ko" natatawang sabi nito

aba...

AMINADO!

"Hehehehe! Kala ko po 25 years old lang kayo.Ang gwapo niyo po kasi"

Hindi sa nambobola ako.PROMISE! ang gwapo niya.Hindi mo aakalaing 45 years old na siya,mukha kasi siyang artista.Ang ganda pa ng built ng katawan niya.Sabagay sa kanya siguro nagmana tong bakulaw na ito.Gwapo nga para naman laging may monthly period.

"Pwede ba tigilan mo na nga iyang pambobola mo!Alam namin na gwapo kami" umepal nanaman itong bakulaw na ito

"FYI...Mr.MAsungit si Sir lang yung sinabihan kong gwapo at hindi ka kasama.Masyado ka naman yatang confident para maipagmalaking gwapo ka at para sabihin ko sayo ang panget-panget mo" pagmamataray ko

Kala mo kung sino siya.Kahit sabihin mong napaka-gwapo niya napakasama naman ng ugali.

"HOY! babae.Hindi ako ang panget kung merong panget dito ikaw iyon! toto namang gwapo ako.Tingnan mo muna yung sarili mo bago ka magsalita.Noong nakita ka nga namin ang panget mo,sobrang baduy mo.MAy nerdy glasses ka pa yatang suot.Nakita ko iyon sa kalsada kaya lang basag na hindi ko na kinuha.Kaya siguro hindi mo makita ang kagwapuhan ko kasi malabo mata mo!" 

WEH?

Bakit parang hindi naman malabo mata ko ang linaw linaw nga ng paningin ko ngayon kahit hindi ako nakasuot ng salamin baka naman hindi sa akin iyon..

"Ang hangin...kumapit tayo baka matangay tayo ng malakas na hangin" sabi ko sabay kapit sa kamang hinihigaan ko na kala mo may napakalakas talagang hangin..

"Hahahaha! Tigilan niyo na nga iyan.Mamaya kayo ang magkatuluyan sa huli" pang-aasar ng tatay niya

"YUCK/Eeww' sabay naming sabi

"Ang mabuti pa iha magpahinga ka na"

"sige po"

Pagkalabas nila ipinikit ko na ang mga mata ko para makapagpahinga.Nakakapagod ang araw na ito pero alam ko na mas mapapagod ako sa mga susunod pang araw!

_______________________________________________

A/N:

Hays!! tapos ko na yung unang chapter sana subaybayan niyo pa yung iba pang susunod na chapter..

I hope all of you like it and

Dont forget to Vote and Comment..

My Amnesia Ghurl!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon