chapter 5

210 7 0
                                    

Ang Pagkawala

“ Hello? ”

bungad ni Zanu pagkasagot sa tumatawag sa kanyang telepono...

“ Mr.Amado si Inspector Haji Gomez po ito...”

“ yes Inspector,kayo ho pala? may lead na po ba kayo sa pinaiimbistigahan ko? ”

“ Yes Sir! may nakuha po akong report tungkol sa pagkawala ng katawan ni Antonio...”

“ I'm here in a business meeting sa cebu...we will talk to it as soon as makauwi ako...”

“ Ahh Sir e-email ko na lang ho sa inyo ang mga nakalap ko...”

“ ganun ba! ok sige,but i'd still like to talk to you about it when i get home ok Inspector? ”

“ ok po sir!.. ”

isang buntong hininga ang napakawalan ni Zanu pagkababa niya ng telepono...

sa isip niya ay nagtatanong siya sa kung ano kaya ang totoong nangyari at kung nasaan ang katawan ni Antonio at kung buhay pa kaya ito!...

kasalukuyan niyang hinihintay si Mr.Quintos sa meeting place nila...

______

naging masaya ang muling pagkikita at pagsasama nila Lauren at ng kanyang pamilya...

kwentuhan at kumustahan...

at habang abala ang lahat ay hindi nila napansin si Andrie na lumabas ng bahay...
tila ba may sinusundan ito...

patungo ito sa kakahuyan...

mag-iisang oras na ang dumaan ng maisipan ni Lauren na tingnan ang anak sa silid kung saan naroon ito kasama si Yaya Conie...

ngunit tanging si Yaya Conie lang ang nadatnan niya roon na nakatulog...

agad niya ito na ginising at hinahanap rito si Andrie...

“ Maam...katabi ko lang ho siya dito kanina...”

“ Kung ganon na saan siya Yaya Conie!..”
singhal niya sa Yaya..

lumabas siya ng silid at tinanong ang mga naroon kung napansin ba nila ang anak...

at ng hindi ay nataranta na itong hinanap ang anak sa buong bahay at maging sa labas..

tumulong na din ang mga kasamahan niya na naroon pati ang kalapit na mga nakatira roon...

alalang alala na ang lahat...
sinisi na ni Lauren ang sarili at nag-iiyak na...

“ nasaan na ang anak ko!? Andrie?? ”
umiiyak na sigaw nito...

______

samantala...

kakahinto pa lang ng van na sinakyan ng magkabarda di kalayuan sa Mansion...

pinili kasi ni Berto na doon ihinto ang sasakyan...

“ hanggang dito ko nalang kayo ihahatid,maglakad nalang kayo mula rito.”

aangal pa sana si Agatha pero pinigilan siya ni Luke...

“ sige po,maraming salamat...”
wika ni Luke at iniabot kay Berto ang bayad...

agad naman iyon naibinulsa ng huli...

naglakad na palayo ang magbarkada..
ngunit si Berto nanatili parin sa kanyang kinatatayuan...

sinusundan ng tingin ang palayong kabataan...

humawak siya sa dating malubhang sugat sa kanyang dibdib at hinaplos iyon...
pero sa isiping iyon
muli niyang inalala ang dahilan at ang nangyari sa kanya kung kaya tadtad siya ng sugat sa kanyang katawan...

PAMANA book ²Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon