chapter 14

51 1 1
                                    

Buto sa labi ng namayapang Ama ng isinumpang si Antonio...
isang dasal na tanging mga babaylan at biniyayaan lamang ang may batid...
Itusok sa puso ng isinumpa upang matapos ang kasamaan at paghahasik ng batang isinumpa.

Mga imahe at mga katagang ipinakita ng kaluluwa ni Benjamin...

lahat ng ito ay napag-usapan na ng magkapatid na Inspector at ng babaylang si Konyang...

Ngunit batid ng dalawa na hindi ganon kadali matatapos ang lahat...

Sakay ng inarkelahan na sasakyan ay tinungo ng magkapatid ang mansyon ng mga dimasalang..

Ang lugar na pinagsimulan ng lahat...

.....

Sa pagbalik ni Abby at ng kapatid ni Lauren sa tahanan ay nadatnan nilang nagdadasal ang matanda...

Naulinigan nito ang kanilang pagdating...

"APO "
Agaran nitong tawag...

Isang libreto ang inabot nito sa Apo..

At isang papel na tila mapa...

" Lola ano ho ito ? "
Nagtatakang tanong ng binata..

Ang libreto ay naglalaman ng mga latin na dasal at mga pag-aaral na sumpa..
Mula pa ito sa namayapang Ina ng matanda..

Ang Mapa naman ay nagtuturo ng pinaglagakan ng labi ng Amang minahal at tanging nagmahal sa isinumpang si Antonio.

Ang kanyang Ina na siyang pinagmulan ng Hindi matapostapos na sumpang kanilang kinakaharap ngayon...

Bago paman ito pumanaw ay naisalin na nito sa matanda ang kakayahan at ang mga habilin nito....

matagal na din ito na hinimok at hindi pinatahimik ng kanyang konsensya...

Isang walang kamuwang muwang na bata sa sinapupunan ang kanyang binigyan ng sumpa..

At iyon ay si Antonio...

....

Lahat nman ng ito ay sinalaysay ng matanda sa binatilyong Apo...

Matapos nga ay nagpaalalay sa apo at sa dalagitang si Abby upang lumakad patungo sa Mansyon ng Dimasalang..

Bitbit ang kaba at maging lakas ng loob tinungo ng tatlo ang mansyon...

.....

Samantala buong pwersa na hinarap nina Lauren ang mga alagad ng dilim...

At sa kalagitnaan ng labanan ay nagkita  sina Lauren at Antonio...

Isang pamusong ngiti ang makikita sa mukha ni Antonio...

Ngunit amg mukhang iyon ay nagbabago..

Naging mukha ito ng ibat ibang tao..

At ang panghuli nga ay ang mukha ni Zanu...

Na labis na nagpaigting ng galit ni Lauren...

Agad niyang susugurin si Antonio ngunit sa kanyang paghakbang ay isang boses ang kanyang narinig...

Boses ng kanyang anak na si Andrie

" MOMMY "
mahinang wika nito na sapat lang upang kanyang marinig...

Ngunit sa halip na lumapit ito sa kanyang pagtawag ay lumapit ito kay Antonio...

Isang alagad ng Dilim ang may bitbit na alay ang lumapit sa mag-ama...

Isa iyong babae at tila wala ito sa ulirat...

Inilapag ito sa harapan ng batang si Andrie...

At mula sa likuran ay kinuha ni Andrie ang patalim at walang ano'y itinarak sa dibdib ng kawawang babae...

PAMANA book ²Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon