CHAPTER 17

36 2 2
                                    

"Nasaan po ako? "
Takang tanong nito

iho huminahon ka ligtas ka na,ano nga pala ang ngalan mo at ano ang nangyari sayo?
Tanong ng Babaylan na si Konyang

ako po si Luke
pakilala nito..

at dinetalye ang mga nangyari sa kanila sa mansyon Dimasalang...

agad naman na napagtagpi-tagpi ng inspektor ang mga naganap...

sinabi mo'y nasugatan ka kaya iniwan ka ng iyong kasintahan.ngunit wala kang ni ano mang sugat sa katawan...
Tanong ng inspektor kay luke..

Agad naman na sinuri ni luke ang kinaroonan ng kanyang sugat at laking taka ng makitang wala ni anu mang bakas na nagkasugat siya roon...

Bagamat nagtataka ay wala naman siyang maisagot na dahilan sa inspektor...

Hanggang sa maalala niya ang isang tinig na kanyang nakausap bago siya tuluyang mawalan ng malay...

____________

Makikitang wala na sa huwisyo ang mga bihag na kumain sa hinanda ng mga kampon ni Antonio...

Upang hindi makahalata ang mga bantay ay nagpanggap si Chuck na katulad ng mga kasama nitong mga bihag..

Bigla ay may malakas na tunog mula sa isang trumpeta ang umalingawngaw sa mansyon...

Matapos iyon ay may nagsalita...

Lahat ng naroon ay lumuhod at yumuko sa harap ni Antonio...

na siya naring ginawa ni Chuck...

magsitayo ang lahat..
Sigaw na utos ni Antonio sa kanyang kampon...

Habang sa gilid nito ay naroon si Lauren na pilit na kumakawala sa nakahawak sa kanya...

at sa kabilang gilid naman ay naroon si Andrei...

ngayon ang gabi ng ating
huling pag-aalay...
Malakas na wika ni Antonio

Tinutukoy nito na pag aalay ay ang pag-aalay ng huling puso para sa walang hanggang buhay at kapangyarihan...

At ito ay ang puso ni Lauren...

si Lauren ang huling magiging alay para sa inaasam ni Antonio...

sa batong mesa na naroon ay pahiga na inilipag si Lauren...

sa di malaman na dahilan ay hindi maigalaw ni Lauren ang kanyang buong katawan...

tanging pagluha lamang ang kanyang nagagawa..
Habang nakatingin sa anak na si Andrei...

Mula sa katahimikan ay tumugtog ang mga tambol at plawta...

At lumabas ang mga mananayaw...

lumabas din ang mga nilalang na nakalukob ng itim na mga kasuotan at
Pumalibot ang mga ito sa batong mesa kung saan nakahiga si Lauren...

katapusan iyon ang nasasaisip na lamang ni Lauren..
katapusan na niya at wala na siya magagawa para matakasan ito...

________

samantala habang nagsasaya ang mga kampon ng kasamaan ay naghahanap naman ng pagkakataon si Chuck para makatakas...

Sa kanyang pag hahanap ng labasan ay narinig niya ang dalawang bantay sa isang silid...

Pinag-uusapan ng mga ito ang tungkol sa binabantayan nilang mahalagang bagay...

sa pagkakarinig niya sa pinag-uusapan ng mga ito ay naisip niya na mailigtas ang kasintahan ng kanyang amo...

Agad siya na humanap ng maaring gawing sandata laban sa bantay ng naturang silid...

ng bigla ay may kamay na tumakip sa kanyang bibig at humila sa kanya patago..

iyon ay si Mike isa sa mga barkada nila luke at maya...

tulad niya ay hindi din ito kumain sa ginawang papigeng ng mga kampon..

Magkasama ay nag-isip ang dalawa ng paraan upang makapasok sa naturang silid...

at iyon nga kanilang ginawa...gamit ang pinagsama nilang lakas ay napatumba nila ang mga bantay..

at agad na pumasok sa naturang silid...

Doon ay nakita nila ang walang buhay na katawan ni Antonio...
nagtataka man ay nilapitan nila ito...

at sa di inaasahan ay nasagi nila ito at naramdaman ito ng kaluluwa ni Antonio...

may tao sa silid! ko sigaw nito

narinig ito ni chuck at mike

kaya agad na binuhat nila ang naturang katawan...

marami na ang mga  kawal sa labas at maging ang kaninang kasiyahan at pag-aalay ay naunsiyami...ginawa ng dalawa na bihag ang katawan ni Antonio para makatakas at mailigtas siLauren... 

pilit sila na pinipigilan ng mga kawal ngunit nakatutok sa puso ng katawan ni Antonio ang punyal na hawak ni Chuck...

kaya ganoon na lamang ang takot ni Antonio...

labag sa kalooban ay pumayag ito sa nais nila Chuck

ang kanyang katawan kapalit ang kalayaan ng dalawa at ni Lauren...

sa bukana ng portal na daan na nagdudugtong sa mansyon at mundo ng  mga tao

ay naganap ang palitan...sakto naman ng kanilang paglabas ay naroon ang grupo ni Inspektor kasama ang binatang kanilang iniligtas..

na napag-alaman nitong huli na sinukuban ng kaluluwa ni Benjamin..

ng makuha ang katawan ay akmang mag-uutos ito na salakayin ang mga bihag ngunit bigla ay isang puting liwanag na nagmumula sa kinaroroonan nila inspektor,ang kanyang napansin..

hawak ang libreto ay binibigkas ni konyang ang mga nilalaman nito na nagdudulot ng sakit sa pandinig ng mga kampon at ni Antonio...

unti-unti na lumalayo ang grupo ni Inspektor habang nakalukob parin sa kanila ang puting liwanag...

nakaligtas man ay batid nila na hindi pa roon matatapos ang laban..lalo pa at sa nangyari ay nahimok nila ang galit ni Antonio...

ITUTULOY......

PAMANA book ²Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon