HighSchool

2.5K 67 3
                                    

Highschool

Highschool na kami at iisa parin ang school naming tatlo. 

Asa naman ako na makakapasok sa ibang school para makalayo sa kanila.

Silang dalawa partners in crime. Para silang SpongeBob at Patrick.

Ako naman si Squidward na lagi nilang inaasar.

Lalo na si  Aidan walang araw na hindi nya ako ginagalit.

 Kagaya noong isang araw nilagyan nya ng laruang ipis ang bag ko.

Hindi ko naman alam na laruan lang pala iyon kasi mukhang totoo.

Napasigaw ako  habang nagtuturo  si Miss ang teacher namin.

Nakakahiya kasi nagulat silang lahat sa akin at tinawanan pa ako.

Buti na lang hindi nagalit si Miss.

Asar na asar talaga ako kasi walang gustong umamin sa kanilang dalawa  kung sino ang naglagay pero alam ko  na si Aidan iyon. Kasi nang tinanong ko si Ian  sigurado akong nagsasabi sya ng totoo. Kakambal ko sya kaya alam ko.

Ganoon parin ang papel ko sa kanila tagadeliver ng mga regalo at love letters.

Nagstart na rin na magkaroon sila ng mga flings.

Bawat linggo iba-iba ang kasama nila.

Ewan ko pero may pagbabago na akong nararamdaman.

Parang ayaw ko nang maging tagadeliver ng mga regalo at loveletters ni Aidan.

Parang naaasar na ako sa mga babaing nagpapabigay.

"Pwedeng pakibigay kay Aidan?" sabi ng isang girl sa akin habang kumakain ako sa canteen kasama ang bestfriend ko si  Athena.

The Man Inside my Heart( short story / complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon