Elementary
The three of us were studying in the same school.
Hindi ko sila kaklase kasi makulit silang dalawa.
Nasa pilot section ako.
And I thanked God for that kasi 'yun lang ang time para makalayo ako sa kanilang dalawa.
Mahilig silang magprank.
Master of prankster sila.
Pati teacher hindi nila pinalalagpas sa mga kalokohan nila.
Si Mommy at Mommy ni Aidan laging pinatatawag sa guidance office dahil sa mga kalokohan nila.
One time nagdala sila ng daga sa school at pinakawalan nila habang nagflaflag ceremony.
Nagtakbuhan ang mga estudyanteng maaarte at nagkagulo sa school ground.
Nalaman ang kalokohan nila kaya grounded silang dalawa.
Grounded nga pero si Aidan sa bahay namin nagrounded wala kasi ang parents nya that time nasa Singapore.
Gumagawa ako ng assignment ko sa lanai nang nilapitan ako ni Aidan.
"Tawag ka ni Tita" sabi nya.
Ako naman walang tanong-tanong tumayo naman at hinanap si Mommy.
Nakita ko si Mommy . Tinanong ko sya kung bakit nya ako hinahanap pero hindi naman pala.
Asar na bumalik ako sa lanai.
Pagbalik ko wala na si Aidan pero nandoon ang notebook ko na drinowingan nya ng doodle.
Nasa gitna ang pangalan ko na may nakadrawing na heart at may pangalan nya.
Nagalit ako sa kanya kasi isa nanaman iyon sa mga pranks nya. Kailangang ulitin ko naman ang ginawa kong assignment.
Almost every week hindi sila nawawalan ng kalokohan at isa ako sa lagi nilang sinasampolan.
Grade six
"Aeon di ba bestfriend ng kuya mo si Aidan?" sabi sa akin ni Luisa.
Si Luisa isang mabait at tahimik na kaklase ko.
"Yes" sagot ko naman sa kanya.
"Lagi ba syang nasa bahay nyo?" tanong nya pa. Mukhang nahihiya pa sya sa akin habang tinatanong 'yun.
"Yes" sagot ko naman. Clueless ako kung bakit sya nagtatanong.
"Pwedeng pakibigay ito?" inabot nya sa akin ang isang sulat na nasa stationery na kulay blue.
Totoo ba ito ? Ang kaklase kong mahinhin ay nagpapabigay ng sulat sa impaktong bestfriend ng kambal ko." Are you sure na para kay Aidan 'to?" naninigurong tanong ko. Baka nagkakamali lang sya.
"Yes" kinikilig pang sagot nya. Nagniningning ang kanyang mga mata. "Kasi crush ko sya." Nahihiyang sabi nya.
Nanlalaki ang aking mga mata na napapailing. "Sure ka si Aidan na laging gumagawa ng kalokohan ay crush mo?"
"Oo nga. Kasi ang cute nya" pigil na pigil pa sya sa pangiti na sagot nya.
Hala malala na ang isang ito! sabi ko sa sarili ko. Si Aidan na laging nang-aasar sa akin crush nya.
Pero natigilan din ako kasi medyo napapansin ko narin na cute nga sya. Nadagdagan na ang kanyang taas at pangangatawan. Sa katunayan nga mukha na nga silang binata ni Ian.
"Sige ibibigay ko" sabi ko na lang sa kanya.
"Thank you. Ito chocolate para saiyo kasi pumayag ka" sabi nya then she left.
From that day ginawa na akong tagabigay ng mga girls at baklush na may crush sa kanila.
Okay lang naman sa akin kasi may bayad. Yes binibigyan ako ng kung-anu-ano ng mga nagpapabigay sa kanila.
Si Ian naman tuwang-tuwa pag may natatanggap pero si Aidan parang inis. May pagkasuplado kasi sa girls si Aidan. Sa tingin ko isa iyong traits kaya nagkakagusto sa kanya ang mga girls.
![](https://img.wattpad.com/cover/8462803-288-k650658.jpg)
BINABASA MO ANG
The Man Inside my Heart( short story / complete)
Genç KurguIn love in one man since elementary now it's college graduation party wala pa rin progress ang love story nya. Move on na ba?