Una

26 1 0
                                    

*Tuuuk-tu-gaoookkk!!*
Letcheng manok! Mapatay nga yan mamaya. Sinira ang beauty rest ko. Bumangon na ako at nag unat.
Today is another day! Ngumingiti akong nagtungo sa cr. Pagkarating ko ay nag hilamos kaagad ako.

Pagkatapos kong maghilamos ay pumunta ako sa kusina at nagbati ng itlog. In on ko yung stove at nag painit ng mantika sa kawali. Nung uminit na ang mantika ay nilagay ko na ang itlog. Humikab ako. Gusto ko pang matulog.

"MHEA YRA CONTEZZZZ!!!!"

Nagising bigla ang diwa ko sa sigaw na iyon. Nagmadali akong buksan ang pintuan.

Bumungad sa akin ang napaka gandang kaibigan ko.

"GOODMORNING VIRA!!!"

"BAKIT KA SUMISIGAW?!"

"EH SUMISIGAW KA RIN EH!"

Bumuntong hininga siya at ngumiti.

"Goodmorning Yra" ani niya.

"Buti di ka na sumisigaw. Tama yang ginagawa mo dapat nakangiti ka palagi kasi ang mga dyosa dapat hindi nakasimangot. Napadaan ka?" tanong ko.

"Papasukin mo muna kaya ako"
Nga naman kanina pa siya sa labas eh hihi.

"Tuloy mahal na prinsesa"
Nag give way ako sakanya.

Pumasok nga siya. Feel na feel naman di hamak na mas maganda ako sa kanya eh.

Sinarado ko na ang pintuan at pinuntahan siya sa sala kong napakaliit.

"Hindi ka raw pumunta sa tyu-tutoran mo kahapon", nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

"Nakalimutan ko tsk!"

"Hay naku! Bakit mo ba kasi nalimutan?" hindi ko na sya nasagot kasi may naamoy ako.

Ting!

Ay putcha yung itlog koooo!!

Dali dali akong tumakbo papunta sa kusina.

Nakita ko ang itlog ko... Sunog!
Matamlay kong in-off yung stove.
Wala na akong pag kain. Ano na kakainin ko?!

Nakawin ko kaya yung manok na nang isturbo sa pagtulog ko.

"Yra napano ka?"

"Ay manok! Naku naman Vi nakakagulat ka!" gulat na sabi ko.

"Napano ka nga kasi?"

"Yung itlog ko kasi...."
Tiningnan niya yung kawaling may sunog na itlog.

Ngumiwi siya.
"Hala!Nasunog?!" gulat na sigaw niya.

"Ikaw kasi eh! Bigla bigla kang susulpot dito! Di man lang nag text! Bilhan mo ako ng bagong itlog"

"Eh?! Sige na nga! Basta samahan mo ako mamili ng mga bagong damit ha?" nagningning naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Sige!Sige!" ngiting aso kong sabi.

"Nga pala! Bakit nga di mo sinipot yung batang tuturuan mo kahapon? Sayang yung bayad!"

"Eh kasi naman nakalimutan ko sa dami ng iniisip ko"

"Sayang naman yun! Sa bahay ka na lang kumain Yra para deretso na tayo sa mall" waaaaaaahhh mabubusog nanaman ang mga anak ko nito.

"Maliligo lang ako" tumango lang siya.

Pumunta na akong cr at naligo.
Habang naliligo ako, pakiramdam ko may nanunuod saakin.

Lumilinga linga ako. Wala akong makita kaya naman tumingin ako sa taas.

"Aha! Nambubuso ka nanaman ha?! Ang bastos mo talaga! Tutuhigin kita mamaya pag balik ko!"

Loving A HitmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon