Ikalawa

9 1 0
                                    

-Kinabukasan-
Maaga akong nagising kasi kailangan kong mag impake.
Buti di ginambala ng manok yung beauty rest ko kundi siya talaga ang uulamin ko ngayon.

Nung naligo ako di din nambuso ang ang bastos na butiki.

Nag ayos na ako ng mga gamit ko.
Pagkatapos kong mag ayos ay tinawagan ko si Vira.

[Hello?]

"Hello Vira."

[Bakit?]

"Nilipat kasi ako ng ibang branch eh. At tsaka libre naman ang bahay na tutuluyan ko. Libre lahat."

[E? Di na tayo magkikita? Saan ba yan?]

"Hindi ko alam kung saan. Pero makikipagkita ako sayo nu. Dadalawin kita pag may oras hihi."

[Mamimiss kita. Gusto ko sanang pumunta sa apartment mo kaso nandito ako kila ano tapos alam mo na]

"Naku! Sige na. Alas dyes ako lalakad. Alas nuwebe na oh. Sige na bye. I will miss you Vira mwah mwah!" tumawa pa ako.

[Sige Yra mag iingat ka ha? Tsaka kailangan pag bibisitahin mo ako may dala ka ng Fafa Pogi ha]

"Gaga! Ge bye na!"

In-end ko na yung call at binitbit na ang maleta ko palabas ng apartment.

Tiningnan ko ang apartment ko.
Mamimiss ko'to. Yung manok na mambubulabog saakin tuwing umaga. Yung butiking bastos na palaging nambubuso saakin. Hayyyy. Higit sa lahat dito ko huling nakita ang mama't papa ko bago sila namatay(wag sana akong multuhin). Nakabayad naman ako ng renta eh kaya wala ng problema.

Naglakad na ako palabas ng kanto. Yung mabangong amoy ng kanal mamimiss ko rin.

︶︿︶(╥﹏╥)

Pumara na ako ng taxi.

Ng malapit na ako sa convenience ay natanaw ko ang sasakyan na maghahatid saakin (bongga ko).

Pagkahinto ng taxi ay nagbayad ako kaagad at bumaba na.

Pagkababa ko sumalubong agad saakin ang manager ko.

"Ms.Contez akala hindi kana pupunta eh"

"Eh? Sayang naman kasi sir eh!"

"Night shift ka pala doon ha? May Morning na kasi eh" Buti naman di sa morning katamad kaya pag wala masyadong customer.

"Okay lang po. Mas gusto ko nga po yun eh!"

"oh sige sige. Sumakay ka na sa sasakyan ng maaga kang makapag ayos doon sa tutuluyan mo. Gusto man kitang samahan kaso marami pa akong trabaho."
Sus naman! Plastik mo! Ilagay kita sa basurahan eh. Ang bait bait ngayon eh kung noon palagi akong pinapagalitan.

"Sige po!"

Sumakay na ako sa sasakyan at umupo doon.

Binuhay na ang makina ng sasakyan nung driver.

Habang nasa byahe napapansin kong patago na ang lugar. Liblib nga diba Yra? Hayyy.

"Manong pwede po buksan ang bintana?" tanong ko sa driver.

"Okay lang po maam"

Agaran ko namang binuksan ang bintana at tiningnan ang nadadaanan namin.

"Maam malapit napo tayo. Sa kanto ko lang po kayo ida-drop maam ha? Magtanong lang po kayo kung sino si Manang Abela"

"Okay po manong"

Maraming bahay pero parang haunted house walang mga batang lumalabas. Hindi gaya sa dating apartment ko na maraming batang naglalaro. Napanguso tuloy ako ng naalala ang dating tinitirhan ko.

Loving A HitmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon