Chapter 15: The Promise Necklace.

180 13 0
                                    

(Day: 15)

It's been 15 days since naging boyfriend ko si Mark,

Well kahit naman para kaming aso't pusa minsan, kahit papaano naeenjoy naman namin ang mga pangyayari haha, may mga bagay na din kaming napagkakasunduan, pero mas marami parin kaming pinagtatalulan,

Magkaboyfriend ka ba naman ng baliw na sira ulo di ba naman sumakit ulo mo -.-' unti unti ko ng natatanggap na may boyfriend ako, kahit kunwari lang hehe

Ganito pala ang pakiramdam ng may boyfriend, may nagaalaga sayo? May nag aalala sayo? Gagawin lahat maging komportable kalang? Grabe heaven yung pakiramdam,

Nako kung totoohanan na to baka di ko na to pakawalan! Haha Pero don't get me wrong ah! Wala akong nararamdamn kay Mark, siguro nakikilala ko lang sya ng husto, swerte ng magiging asawa nya for sure :)

Sabado ngayun at andito parin kami sa Batangas, kumain lang kami ng breakfast tapos naglakad lakad sa tabi ng dagat!

Sarap ng simoy ng hangin, sarap pakinggan ang alon ng tubig, kahit may araw hindi naman ganun kasakit sa balat dahil sa medyo maaga pa naman

Biglang tumabi sakin si Mark, "Babe ok kalang?" Tanung nya "huh? Oo naman bakit?" Sagot ko

"Wala naman parang ang tahimik mo masyado"

"Ah wala lang ninanamnam ko lang yung sariwang hangin, namiss ko to eh, sa maynila kasi puro usok naaamoy ko haha"

"Tara upo muna tayo?" At umupo muna kami sa buhangin,

Tahimik lang kami parehas, nakatingin sa malayo, haaaay sana di na to matapos, ang sarap sa pkiramdam na ganito lang, yung walang iniisip

"Masaya kaba?" Tanung nya, humarap ako sa kanya pero sya nakatingin parin sa malayo

"Oo naman, sobra! Thank you ah!" Sabi ko sabay tingin ulit sa malayo

"Bakit ka sakin nagte-thank you? Eh ako nga ang dapat magpasalamat sayo!"

"Bakit naman?"

"Ngayun nalang ulit ako nakawala sa magulong buhay na meron tayo sa maynila, parang dito walang problema, walang dapt isipin, lahat chill lang! Namiss ko yung ganito, na puro saya lang!"

"Oo nga eh sana laging ganito" sagot ko sa kanya

"HOY JANE AT MARK PUNTA KAYO DITO LIGO TAYO SA DAGAT!" Sigaw ni Rio

Di namin napansin nagsuswimming na pala sila

Tinititigan lang namin sila, sarap nila tignan, ang saya ng mga mukha nila, nagtatampisaw sa tubig at naghahabulan,

Ok na din sina Rio at Alex, nagkaoras sila kagabi para magusap, mukhang ok naman ang kinalabasan, kahit papaano nawala na ang ilangan nila sa isa't isa

"Gusto mo bang magswimming na din?" Tanung ni Mark sakin

"Mamaya na siguro, ikaw ba sige na swimming kana!" Sabi ko sa kanya

"Hindi na samahan ko nalang girlfriend ko dito" sabay akbay sakin

Teka totoo ba to, di naman nya kelangan maging sweet sakin at sabihang girlfriend nya ako kasi kami lang naman dito eh, gusto ko sanang umalis sa pwesto ko pero di ako makagalaw, parang may pumipigil sakin na umalis

"Hoy ikaw Mark! Anu pinagsasabi mo, di mo naman kelangan na magpanggap na tayo dahil walang nakatingin satin"

"Hayaan mo na ako, ineenjoy ko na tong pagkakataon na to baka di na maulit"

Be my Girlfriend for 100 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon