Chapter 19: Dance with Me.

167 11 2
                                    

Jane's POV

"Oh my god girls!" Sabi ni Lovely kaya bigla kong tinignan yung listahan ng mga gagawin namin

1. Magpapicture sa mga security guard dito sa mall.
2. Pumunta sa Food Court at isigaw ang "I Love You Andrei", "Mahal na Mahal kita Rio" at "Patay na Patay ako sa'yo Mark".
3. Bumili ng Condom tig-iisang box.
4. Pumunta sa Department store at bumili ng briefs.
5. Running Man dance sa Jollibee.

"Seriously? Eto talaga gagawin natin?" Sabi ko

"Well wala naman tayong magagawa iba din kasi ang pinagawa natin sa kanila" sabi ni Alex

"Sabagay! So paano? Simulan na natin?" Yaya ko sa kanila

Kaya naghanap na kami ng mga security guards grabe nakakahiya man pero ok lang madali lang naman to eh picture lang naman easy lang

After namin makapagpapicture dumaretso na kaming Food Court, kung sobrang dali nung una eto naman ang nakakahiya -.-'

Langya talaga yang si Mark ang kapal ng mukha, ako pa talaga ang patay na patay sa kanya? Haaays kung pwede lang na ang isigaw ko ay 'Patay ka sakin mamaya Mark' pero no choice edi gawin

"Oh akin yung I Love You Andrei" sabi ni Alex

"Alex sa'yo yung I Love You Rio no akin si Andrei" sabi ni Lovely

"Bakit may nakalagay ba kung sinong magsasabi? Wala naman diba"

"Alex understood na yun no! Haaay wag mo na ngang agawin sakin si Andrie" sabi ni Lovely

"Wag mong sabihin na nahuhulog kana talaga kay.."

"I LOVE YOU ANDREI!" sigaw ni Lovely "oh paano nagawa ko ma no choice kana Alex haha" dagdag pa nya

"Haaay kahit kelan talaga" sabi nya at biglang sigaw "MAHAL NA MAHAL KITA RIO" sigaw nya

"Grabe girls tignan nyo ang daming nakatingin sa'tin oh!" Sabi ko

"Bilisan mo na Jane para makaalis na tayo" sabi ni Alex

"Anu ba namang mga babae to despirada"

"Haay nako babae na ba talaga ang nanliligaw ngayun?"

Yan lang naman mga naririnig naman sa mga nakapaligid samin

"PATAY NA PATAY AKO SA'YO MARK" sigaw ko at sabay sabay na kaming umalis agad don, grabe nakakahiya talaga

Daretso na kami ng Whanton, talaga bang kelangan namin bumili non? Parang mas nakakahiya yun eh -.-'

Pagpasok namin daretso kaming counter nakita ko kasi andun yung condom eh kaya pumila na kami, grabe ang daming tao nakakahiya talaga

Nung kami na ang tinanung

"Anu sa inyo?" Tanung nung babae

"Yun po miss" tinuro nalang namin kasi nahihiya talaga kami

"Alin yung condom?" Ayshet ang hina makagets ni ate kaya nga di naman sinabi kasi nakakahiya anu ba yan -.-'

Napatingin ako sa paigid namin lahat nakatingin samin, nagnod nalang kami

"Ilan?" Tanung pa nya

"Tatlo po!" Sabi ko ng mahina

"Ayy anu ba yan iba na talaga ang kabataan ngayun"

"Grabe sila babae talaga ang nabili nun?"

"Haaay nako tapos sa school di makapagenroll pero may pambili ng condom haaay"

Yan pa mga naririnig namin

Kaya nung binigay samin binayan agad namin, grabe wala na talaga akong mukhang maharap ngayun hiyang hiya na kami,

Be my Girlfriend for 100 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon