(Day: 2)
Jane's POV
It's sunday today, dahil sunday syempre family day, andito kami sa simbahan ngayun, grabe ang dami kong gustong ipasalamat kay Lord
Yung masigla at malusog at kompleto kong pamilya, yug mga grades ko grabe thank you talaga Lord pati mga kaibigan ko sina Alex at Lovely, yung work dinni papa na-promote na kasi sya, tapos si Mark pa, grabe thank you po Lord sa lahat lahat lahat ^_^
Eh? Ano daw? Sinama ko ba si Mark dun Hmm sabagay thankful naman talaga ako na nakilala ko sya, dahil kung di ko sya nakilala edi hindi ko din nakilala yung mga bata na inaalagaan nina sister Anna at sister Lisa
Totoo nga sabi nya, pag nakasama mo ang mga batang yon dun marerealize yung mga blessing na dumating sayo at simulang pahalagahan
Gaya ngayun andami kong gustong ipagpasalamat kay Lord , kaya thankful na din ako kay Mark, nagenjoy talaga ako kahapon kasama ang mga bata
"Nababaliw kana ba? Tignan mo nga yang mukha mo todo ngiti wala namang nakakatawa"
"Hindi mark thankful lang ako kay Lord dahil sayo" huh? Sinabi ko ba talaga pangalan ni mark? Grabe nakakahiya kay papa baka sabihin nya si mark nalang nasa isip ko
Pag tingin ako sa kanan, sheeet si mark nga kinakausap ko "anung ginagawa mo dito?"
"Bakit ikaw lang ba ang may karapatang magsimba?"
"Kanina kapa ba dyan?"
"Sakto lang tulala ka na naman dyan"
"Alam mo, nasa simbahan na nga tayo ang sungit mo parin"
"Sssshhh wag kang maingay makinig kana kang!" Ay naku kahit kelan at kahit saan may pag kamasungit tong lalaking to, bhala na nga sya makikinig nalang ako
(Pagkatapos ng ilang minuto)
"Babe"
"Bakit Mark?"
"Rule #13: pag nasa labas tayo at maraming tao 'BABE' ang tawag natin sa isa't isa" bulong nya
"Ok babe tss"
"Oh akin na" sabi nya sabay abot ng palad nya
"Alin yun?"
"Yung kamay mo 'Ama Namin' na oh"
Ay oo nga pala kaya hinawakan ko na din yung kamay nya, grabe pag mayaman ba ganto talaga kalambot ang kamay? Tsaka ang init ng kamay nya ang sarap hawakan lang at wag bitawan, para kasing pag hawak nya ako secured ako
Na walang mangyayare saking masama, haaay kelan kaya dadating yung knight shining armor ko?
"Babe nagde-daydreaming ka na naman dyan"
"Hindi ah pano mo naman nasabi?
"Yan oh ayaw mo pang bitiwan ang kamay ko"
"Ah hmm sorry di ko napansin"
"Babe alam kong kelangan natin sila mapaniwala na tayo talaga pero mukhang sineseryoso mo na ah!?"
"Wag ka nga hindi mangyayare yun"
"Sige ganto nalang rule #14.."
"Alam ko na yan, napapanood ko na yan sa mga tv at movie rule #14: don't fall inlove with me tama ba babe?"
"Mali wag mo kasi akong pangunahan"
"Anung hindi? Syempre yun na din yun at panigurado magiging rule mo din yun"
BINABASA MO ANG
Be my Girlfriend for 100 Days
RomansaAko si Jane, naniniwala ako na sa pagibig dapat: Walang dapat rules, kasi di mo naman kelangan diktahan ang lahat ng bagay. Wala dapat pilitan, kasi kung mahal mo talaga ang taong yun, handa kang magiintay at hindi mo sya pipilitin. Wala dapat hangg...